22 Replies
wala ka sa byenan ko every kinsenas at katapusan ng buwan nanghihingi..bumukod na nga kami sa malayo eh..dalawang sakay ng bus mula sa kanila, pupunta pa rin sya sa inuupahan para lang manghingi ng pera sa asawa ko..kasi pag sa chat lang sinabi ng asawa ko na di muna kami makakabigay kasi nga nagbayad kami sa upa at bills, pupunta agad yung byenan ko para hindi makatanggi ang asawa..never sya nakaintindi na gipit kami..minsan gusto ko ng magmura sa mukha nya nagpipigil lang ako..inaaway ko asawa ko, pero wala naman daw sya magawa lalo na pag pumupunta na nanay nya..haay..bakit ba may mga byenan na ganyan..by the way apat na anak namin tapos hanggang ngayon nanghihingi pa rin sa amin byenan ko..yung pera sana na pang ipon namin para makabili ng sariling bahay hindi naiipon kasi nagagalaw lagi dahil walang wala na..maliit lang naman kasi sinasahod ng asawa ko..sapat lang sana sa aming mag iina..di naman kami madamot kasi pag sagana naman nagbibigay kami..pero sobra sobra na kasi to..sinasagad na nila manghingi.
Salamat po mga moms sa advice nyo. Kaya lang naman po ako may sama ng loob sa byenan ko kasi nung panahon na buntis palang po ako at may sideline yung asawa ko inaabuso na po nila sakanila lahat napupunta yung kinikita ng asawa ko sa sideline nya na napakaliit pero wala ni isang reklamo akong sinabi sa asawa ko hinayaan ko nalang dahil may trabaho naman ako. Pero nung lumabas na baby namin ganun pa din sila. Gusto nila may makukuha pa din silang pera PS. Magjowa palang po kami ng asawa ko nung pareho kaming may work binibigay nya po lahat sa magulang nya yung sahod nya at yung commission nya sa work yung pera nya kaya bakit pa sya magbibigay sa magulang nya kung nung binata sya eh sakanila naman lahat napupunta kaya ang ending po eh hindi nakapag ipon ang asawa ko nung binata pa sya. Parang sobra sobra na yung binigay sakanila ng anak nila nung binata pa. Kaya nakakapagtaka lang na bakit kelangan pang perwisyuhin yung anak na may sarili ng pamilya.
Minsan kasi hndi natin maiwasan na hindi magdamdam kasi dun sa mga panahon na hirap na hirap tayo parang wala silang kilala. Pati mga kapatid. Smantalang ako nung unang pandemic wala din ako ganoon kdami pera pero maglolockdown nun. Agad ako ng grocery. Dinagdagan ko yung pang grocery ni mama. Binigyan ko manga tito at tita ko. Pinadalhan kodin sila. Kaya wala masabi asawa ko.. pero kita naman nmin ngayon situation. Pag kmi nangangailangan. Ganon pala yun. 😢 nakakasad lang kasi sila naaalala mo tapos pag ikaw alam ka lang pag wala sila. Yun lang nakakapgdamdam noh. Samantalang yung anak nilang may trabaho ni piso hindi nagbbigay saknila. Hayyyy yaan mo nalang pag katapos ng lahat bumawi ka nalang po sa mother mo. ♥️. Kasi mother ko po naiintindihan nya naman po situation ngayon.. godbless po 😇🙏
sariling opinion ko, wag naman sana monthly, at sana napag usapan nyo kung magkano lang,kasi may anak na kayo.. sa mag asawa kasi,dapat pinag uusapan nyo yan,oo parents ni hubby kaso may sarili na kayung pamilya.. hindi naman siguro hikahos yung parents ni hubby mo, minsan kasi may mga biyenan na akala mo buong buhay ng anak nila dapat sila lagi priority ganun, uu parents sila, pero oras na mag asawa yung anak mo,lalo na pag lalaki, hayaan mo sa pamilya nya, at hayaan na magkusang mag bigay sayu yung "mag asawa" hirap din kasi sa mga pilipino eh, asa asa ganun, hindi marunong ng "oh may anak at asawa k na, sila na ngaun priority mo, ikaw naman ang magiging magulang," hindi sa bawala.magbigay ha.. may limit sana.. at sana yung desisyon nyong mag asawa iisa..
Hayaan mo nalang. Mas mdami pa blessing ddating sayo. Ako diko sinabihan ng ganon bahala sila makaramdam. Wala din sila naitulong smin wala nmn permanente trabaho asawa ko shop lang na gupitan. Minsan matumal pa.. sa mama ko din kmi ngyon wala kami maibigay maski piso nakakahiram pa kami sa mama ko pg talagang kulang pambili ng maintenance nya. 120 a day panaman maintenance niya. Ni piso nung panahon din ng pandemic hindi kami tinulungan. Kahit yung kaptid nya na wala pa asawa at ngttrabaho. D pko buntis nun kaya hinayaan ko naman kasi nakakagawa naman ako ng paraan nun online seller kasi ako. Kaso ngayon as in di ako makatulong maintenance at check up kopa. Mag 5months palang kasi..
Talk to ur husband mommy... sympre nkkahiya dn kng ndi kau magshare dyan sa bhy ng parents mo kht ndi nagsasalita parents mo.. pero pra sa akin kht pa may family na ndi pdin dpt tapos obligasyon ng anak sa parents nya. I mean kht mag abot lng sya ng konti ksi parents nya un kht ndi sila nkatulong nun tym na need nyo parents pdn nya un. kht every sahod dalhn nya lng ng food gnn lng. pero sympre dpt mag ipon na c hubby pra snyo ng baby nyo ksi family nya na kau.. pero wag mo sya pgbwalan na mgbgay sa parents nya kht simple thing lng .. mhrap ksi wla tau sa sitwasyon ng parents nya ndi ntn masasabe kng paano ntn ihahandle un ganyn sitwasyon pg matanda ndin tau...
ay grabe nman un.. mag usap kau sis ng asawa mo ipaliwanag mo sa kanya na need nyo dn maka ipon or mka pundar ng sa inyo.. ok lng nman mang hinge ang magulang ng pera sa anak pero wag nman ung tipong kada sahod mag bibigay sya sa parents nya.. may sarili na xang family at un ang dapat mas priority nya.. tama lng nman na mahalin ang magulang at tumanaw ng utang na loob sa pag papalaki sa kanila pero in a different way kc pamilyado na.. dapat sa magulang nakakaintindi dn kng may ibibigay ung anak or wala kc may sarili na xang pamilya.. pag kinausap mo asawa mo at di pa dn naging ok mas maganda cguro kng bubukod na kng kau..
ganyan din halos experience ko,buntis ako ngayon at kada may bibilhin kami sa bahay or gamit ng baby namin,laging naka sahod din. nung hindi pa naman ako buntis at kaming dalawa lang ng partner ang nagsasama sa tuwing nanghihingi sila or may ipapabili binibigay namqn namin. kaso ngayon di ata marunong makaintindi na nagiipon kami para sa panganganak ko. sinabihan pa kami na qng damot daw namin. ang gusto niya kasing hingin ay tuition fee ng kapatid ng partner ko. eh may trabaho pa namqn ang asawa niya sa ibang bansa. nakakaloka lang. hindi ko nalang pinapansin at dinedeadma ko nalang para hindi mastress
para sken Ok lng mgBigay Kung pang emergency wag nman every month. kse my pamilyA na Kau. tama Po kau na Dapat kau ang priority ni mister.. sgurO po mas Maganda pagUsapan Nyung mgAsawa Yan. kse tulad ko naman kme nakatira sa bahay Ng MIL Ko . so dtO kme . ngbbgay lng asawa Ko sa mama Nya Kapag huminge ng pang dag dag sa Kuryente or wiFi. pero sa pgKaen bumibili kme ng sarIli namen . kung my pera nman na sobra bumibili kme bgas oR ulam. pero minsan naIilang na din aq mas GustO ko padin mgBukod nlang kme. 😔
Kahit n Nung panahon n wala kayo ndi kyo na tulungan, bka may reason cla kung bkit d Nila kayo n tulungan, kyo ang meron ngayon, kahit konti abutan ung mgulang kung meron nman, ksi kapag binigyan mo cla, MA isip Nila ung panahon n hindi nla kayo nabigyn,, ☺️pero kung wala talaga sobra at sakto Lang pang gatas nang anak ninyo ang Pera ninyo ngayon pwede nman cguro sabihin NG ayos, wag mo Lang sa sabihin sa asawa mo ung sinabi mo na un kasi talaga ng sa sabihin n madamot ka, bka may karugtong na Salita PA un
Anonymous