Payslip/Salary

Mga momsh isinusurrender din ba ni mister sainyo yung payslip nya at binibigay ung buong sahod nya? Kung oo, Do you think healthy ba ito sa relasyong mag-asawa at kung hindi naman. Bakit?

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po kasi tiwala naman ako sa kanya wala syang bisyo. Tsaka yung mga gastos nya nililista po nya. May notebook kami para listahan ng gastos. May naiiwan lang samin na pera pang emergency. Yung payslip nya kasi sa email eh naiiwan lagi sakin phone nya di kasi sanay gumamit haha kaya minsan sinisilip ko narin.

Magbasa pa

walang payslip ang asawa ko kasi grab express sya pero pinapakita nya saken total earnings nya ng buong araw at binibigay nya lahat saken taz bibigyan ko or manghihingi lang sya ng konti pangpa gas nya kinabukasan saka konting panukli 😊 yes healthy para samen momsh never kami nag away sa pera open kami pagdating sa pera 😊

Magbasa pa
VIP Member

Yung buong sweldo niya binibigay niya sa akin, pero sya pa rin may hawak sa atm. Binibigyan ko lang siya ng pera para allowance niya pag on-duty na sya. Di kami ganun ka open ng asawa ko, pero we trust each other. Napaka healthy ng relationship pag may trust sa isa’t-isa. 6 months palang kaming married.

Magbasa pa

Nasa akin atm nya at ako ngdedecide paano budgetin yung pera. Yun ang gsto ng asawa ko nung una palang. So far ok naman po kami sa ganung setup..Lahat ng gusto nya bilhin icoconsult nya sakin hindi dahil wala syang sariling desisyon palagi tlga nya ako cinoconsider sa mga plans nya at gusto nya gawin.

Magbasa pa

Kahit abroad si mister sinesend nya thru pic sa messenger payslip nya kea nakikita ko. And no choice din naman sya dahil ang company nila sa abroad full sahod nila ang pinapadala sa mga asawa sa pinas. Sagot kasi ng company nila lahat ng gastos nila sa abroad

hndi . hndi ko din alam f magkano sahod nya 😅 sya lang bumibili lahat. f ng hihingi nmn ako or nag papabili ng mga fuds bumibili sya . dipende sa mood nya 🤣 mas ok na sakin un basTa hndi sya nag kukulang ng bigay at least hndi sumasakit ulo ko sa pag budget 😊😊

Nasa kanya yung ATM nya and every sahod winiwithdraw nya lahat then transfer sa joint acct namin. Same din sa akin. That way may visibility kami sa movement ng pera. Healthy na transparent kayo in terms of finances. Di lang si mister, dapat ikaw din :)

Hindi nya binibigay sahod nya or payslip nya sakin.. okay lang naman. may work kami pareho, eversince, wala kami pakialaman sa pera. hati kami sa lahat ng bayarin, minsan mas malaki lang sa kanya kasi mas malaki sahod nya sa akin. Sa ganun setup kami nasanay 🙂

Payslip? No. Every payday binibigay naman nya ang salary nya pero bawas na ang allowance nya until next payday. Tiwala naman ako sa kanya kaya no need to see the payslip. And yung inaabot naman nya is sapat na para sa lahat kasama na ang savings.

sakin ok lang kahit hnd nya pakita payslip nya since magkawork kami so technically alam ko rin naman simasahod nya and tbh sya ang nagbubudget sa bahay. mas less stress sakin since preggy ako at mas nakaka ipon kami kasi kuripot talga asawa ko 🤣🤣🤣