Lost my baby due to PREECLAMPSIA

Hi mga Momsh, I wanted to share to you all my experience as I wanted to raise awareness too. As in my case I am not aware and my OB didn't even bother to inform me of risk in pregnancy. Partly, I think my OB has also fault as in my 3 visit hindi niya talaga ako na-BP so I thought nun okay lang.. Until Dec. 9 at 25weeks & 4 days na si baby nun, I went to the Hospital kasi nagableed na ako, spotting at first but napuno ang napkin na gamit ko nun.. The doctor diagnose me of having PREECLAMPSIA SEVERE FEATURE.. Too late na for me as I came at 220/140 BP ko. Triny nila bigyan ako ng malakas na shot ng pampababa ng BP pero wala talaga. Until si Placenta is nagaseparate na sa matris ko.. then maternal na heartbeat namin ng baby.. kaya emergency CS na kesa daw po pareho kaming mamatay. So yun.. masakit pero kailangan tanggapin.. Tingnan nyo picture ng baby ko napakaganda.. Sayang lang talaga.. ? Name: Ma. Gladys Josephine / "Fina" Nabinyagan pa sya paglabas. Di ko na sya nahawakan & nakita paglabas only si hubby lang.

Lost my baby due to PREECLAMPSIA
1560 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolence po. Share ko lang din po na nagka pre eclampsia ako nung nagbubuntis ako, Awa ng Diyos healthy ang baby ko pero same case po tayo sa unang OB ko. Siya naman aware siya na mataas BP ko pero di siya nagreseta ng pang pababa ng BP. Tiwala naman ako sa kanya kasi tuwing pre natal check up okay naman daw heartbeat ng baby ko. During my 7th month of pregnancy, nagkaroon kami ng financial problem kaya napilitan akong lumipat ng public hospital. Unang tanong agad ng OB doon, ano ang maintenance ko para sa BP ko? Sabi ko wala po. Bakit daw di ako nagmemaintenance eh mataas na BP ko (130/100) then dun ko lang nalaman na delayed na development ni baby in terms of weight at mataas ang chance na mapaanak ko siya ng pre mature. God is good at napanganak ko ang baby ko ng full term via NSD. kaya mga mommies, di porket galing private clinic o hospital ang mga doctors eh okay na. Minsan pera pera lang talaga kaya kapag nag aalangan po sa mga OB niyo ngayon, wag mag atubiling magpa second opinion. Blessing in disguise na rin na nagka financial problem kami at dahil dun naagapan agad ung problema during my pregnancy.

Magbasa pa
6y ago

Salamat ng marami momsh.. Yes super need ko talaga ang emotional healing.. I know di mawawala kaagad pero eventually maging ok din ito.. salamat talaga. ♥️