Incredible Feeling!!

Hi mga momsh! Gusto ko lang sana ishare yung experience ko. Sorry mejo long post ito. I had my very first check up last 3rd of March 2020. That's time I was like 5weeks and 2days pregnant, nag pa transV ako nun ang super liit lang ng sac na nakita at wala pang heartbeat si babyO ko. Syempre pag ganoon mapaparanoid ka at kakabahan talaga. Inadvised ako ng OB ko na bumalik ng March 17 but sadly due to lockdown wala na nung bukas na clinic malapit samin. Since March 2 kung ano ano na naiisip ko. I tried to research ang lahat ata makita kong article nabasa ko about Anembryonic Pregnancy, Blighted Ovum, missed miscarriage etc. Yes, ganun po ako ka worried and ka paranoid since I was to blind kung kumusta ba ang baby ko. I knew reading those kind of articles will make me more stressed kaya kinakausap ko talaga si Baby pag nagbabasa ako ng ganun sinasabi ko "Baby, nagbabasa nito si mommy di dahil ayaw ko sayo ha? Gusto ko lang malaman kung meron ba tayong mga signs nito." Day by day nagbabasa ako inaassess ko sarili ko since wala talaga ako maramdaman sa tiyan ko until April comes, I felt a fast hard pulse sa my tummy ko and really I called God! I asked Him "Is it Your way to tell me that we're okay?", syempre curious talaga ako kung si Baby ba yun or what kasi I'm very hopeful talaga. I then continued my research (Yes, paranoid po ako talaga) and I came across the article about Aorta Pulse so naisip ko bigla na yung oulse na nafeel ko could be my own aorta not my baby. Syempre worried na naman ako pero I'm keeping myself positive while researching. Di ko binibitawan anak ko everyday ko sya kinakausap and sinasabi ko na "Pumpkin, my heart say you're inside my tummy growing but I want to have some peace of mind for us. I don't mind you growing bigger in my tummy or giving me strange weird senses/morning sickness. Please let me feel you more and more." Miracles do happen talaga mga Momsh, I started feeling strange sense of smell na lahat ng niluluto ang baho. I swear pati yung pinapakulong tubig naaamoy ko and nanghihina talaga ako nun. I had my strange cravings na di ko maiwasang umiyak pag di ko makuha. I even doubled or maybe tripled my appetite. I asked myself again "Siya na kaya yun? I thank my baby for trying to communicate to me. " But those strange senses came ON and OFF as week goes by so ito na naman ako trying to convince myself that we're fine but still want an assurance. Nabasa ko yung about sa Missed Miscarriage and that strike mu so hard na worried talaga ng bongga so I kept contacting my OB to get an appointment, wala po kami sasakyan talaga ang malayo kami sa centre kaya very hopeless talaga ako sa advice. I kept reading here and other source online. I just follow lahat nga advices na nababasa ko dito (Salamat sa questions ng ibang momsh) at from online. Yesterday, I finally had the chance to go out kasi may byahe na paunti unti samin, I met my OB and she did scan my tummy that there my little Pumpkin goes. I have heard my baby's heartbeat for the first time. It was so mesmerizing! My OB said "My baby is big and di daw halata sakin kasi maliit tummy konpero malaki ang very active si Baby". I felt relief! She continued the scan and I saw my Pumpkin flexing his/her fingers and bigla pang gumalaw ulo nya! I cried! I cried a lot yesterday! I was very emotional di ko maexplain. Sabi ko nalang kay doc pasensya na kung naiiyak ako sabi nya mas maiiyak daw ako pag nakita na namin ang gender. Yes, I'm schedule for gender scanning next month and I'm so so excited. I just couldn't wait na makita sya. Ganito pala yung feeling na pagnakikita mo na sya it's quite mesmerizing! I'm so thankful na di kami sumuko ni Baby. I hope na sana yung ibang momsh na tulad kong paranoid won't stop believing the connection between yourself and your little one. God Bless satin lahat mga momsh!

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank you for your story, mommy. ❀️ This made me cry but made me hopeful as well. I'm on my 16th wk also, and hindi na kami nakapag kita ni OB for check-up and labs after ng initial meeting namin on my 5th wk. On my 10th wk pa ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagpa ultrasound, and it was only because I nag bleed ako and I had to be rushed sa ER. But even then, hindi pa sa akin ipinarinig ang heartbeat ni baby. Small comfort ko na lang ang kanyang 1st ultrasound pic, kahit na I was told I had mixed infection, subchorionic hemorrhage and my placenta was totally covering my cervix. And to top that, naglabasan din lahat bigla yung mga pregnancy symptoms ko after that-- nausea, vomitting, headache, smell and food aversions, bleeding and swollen gums. From 84kg at the start of my pregnancy, I dropped to 73kgs. But through it all, pinapakiusapan ko si baby na kumapit lang, kahit mahirap I will try na lagpasan lahat para sa kanya. Pinipilit ko na hindi umiyak at idaan na lang lahat sa dasal. I've decided to stay on bed rest until makapag pa ultrasound ako, just to be sure. But now on my 16th wk, nakakaramdam na ko ng quickening, and I am more hopeful na baby is doing well. Sana po talaga. πŸ™πŸ™πŸ™ God bless and safe pregnancy, mommy! πŸ™‚πŸ’πŸ™

Magbasa pa
5y ago

Oh my dear, I know how terrible it feels na mag worried and maging paranoid sa kalagayan ng baby natin. I'm hoping na magpatuloy na ang pagiging okay nyo ng Baby mo. I'm glad to know that you're not crying kasi nakakadagdag yun ng guilt sa part natin and stress kay baby. Let's all pray for your safe. Pray harder and always talk to your baby. The precious life in our tummy really understands our language. If I could just give you embrace right now. I will include you and your baby to my prayers. Don't give up. It might be very tough fight but it will be worth fighting.

The same worries I feel with my 2nd pregnancy momsh. Dahil ung 1st pregnancy ko is blighted ovum. Sobrang takot ako na baka maulit ung nangyari sa 1st pregnancy ko. Pero God is so good talaga na pinakinggan nya yung mga dasal naming mag-asawa. Ngayon Im 21 weeks pregnant with a baby boy. Paranoid pa din ako paminsan2x takot na baka kung anong mangyari sa baby ko sa loob. Pero tiwala lang talaga sa Kanya na kung para sayo ara talaga sayo yan. God bless you momsh. Ingat kayo palagi ni baby.

Magbasa pa

same tau momshie kung anu2 sinesearch ko s google kc last march 16 pa ung check up ko wla prin aq nafefeel n movement n bby ngayung 17 weeks and 5 days preggy aq..ultrasound ko sana last april 15 kasu lockdown kaya d makalabas..by monday pa rw duty c ob kaya monday pa aq mccheck up uli...kung anu2 n npsuk s isip ko kaya gngwa ko iniiwasan ko muna mag search ng magsearch..kinakausap ko rin lage c bby s tummy ko n kapit lng xa..kc galing aq bedrest..πŸ˜•

Magbasa pa
5y ago

Palpitation yung pinakauna kong symptom ng pregnancy. Umuwi non yung partner ko at sakto nagbakasyon kami sa kanila last February. wala naman ako ginawang nakakapagod ng bigla nalang ako parang kinakapos ng hininga, hiyang hiya ako nun sa mga kapatid ng partner ko kasi napalakas ng todo yung pag inhale ko, tinanong ako ni Dad kung napano daw ak so sabi ko nag papalpitate ako di ko alam bakit ang naging madalas yun. Kala ko heartburn or kung ano na yun pala nagbabago na level ng hormones ko.

March din ako una nag pa check up kaso pinapabalik ako ng OB ko after 1 week kse 5weeks 5days palang ako Alanganin dw pag i transV. After 1 week naman Nag spotting ako Kht Lockdown na nun at bawal angkas sumugod kme hospital ni Hubby. Di baleng Mag multa wag Lng mawala si Baby. Thanks God naman at malakas ang heartbeat ni Baby nun at pina bed rest ako at take ng pampakapit for 2 weeks. ❀️

Magbasa pa
5y ago

Hoooray!!! That's a relief na okay si Baby mo Momsh! Yung multa wala yun sakin, I would probably do the same kung nandito si partner ko pero wala si Daddy kasi naipit din sya sa lockdown. Working as frontliner ang partner ko so wala talaga ako magawa kundi mag hintay. Buti nalang okay din si baby ko.

VIP Member

Relate na relate aq. Sa kapraningan, nandun lagi ang takot lalo nat high risk dahil sa threatened miscarriage and bleeding. Pero mas matapang pa tlga yung baby s tyan ko. He never quits, staying strong. Lagi ko sya kinakausap at nagso sorry na hindi strong katawan lalo na matres nu nanay, pero kapit lang sya s kin. Napakabuti talaga ni Lord!πŸ˜‡

Magbasa pa
VIP Member

gnyan din po ako kapraning nun. lahat nireresesrch ko at konting d mgnda sa pkiramdam ko, research nnamn ako.. hihihi. gnyan po cgro tlaga pag.sobramg excited na mgkababy, lhat naiisip naten at gagawin wsg lng mawala baby sa tummyπŸ™‚ wel, atm. i have my 1 and haf month healthy baby boyπŸ™‚πŸ™‚

VIP Member

Ganyan din po naramdaman ko nung nakita ko baby ko nung nagpatransv ultrasound ako..iba yung feeling lalo na pinarinig sakin ng OB ko yung heartbeat ni baby. 😊 keep safe po mommy..

VIP Member

god is good po tlg.. mamsh iwasan ntin mgbasa ng kung anu anu.. sbi ngob ko sakin hindi lahat ng nbabasa sa google or internet totoo.. mapapraning kpa.. be safe satin mga mamsh!

5y ago

Opo.. Double triple talaga ang pag iingat. mahirap na.

VIP Member

Awww 😍Thanks God. and God bless you mamsh and your baby, keep safe and keep praying 😊

5y ago

Amen.Salamat 😊

God bless! Thanks for sharing your inspiring experience!

5y ago

Thank you momsh! God bless satin lahat na mga mommies. 😍