Baby food (rice porridge)

Hi mga momsh! Gusto ko lang i-share yung natutunan kong recipe ng rice porridge for my 7-month old baby. Last time nag ask ako ng baby food ideas kasi naubusan na talaga ako ng idea. And kaka search ko, eto ang nakita ko. My baby is currently taking 2 medicines per day for his hypothyroidism kaya instead of giving vitamins, i decided to make him eat nutritious foods. PUMPKIN-MORINGA RICE PORRIDGE 1. Hugasan at ibabad ng isang kutsarang bigas sa tubig for at least 20mins. 2. Cut pumpkin/squash into small cubes (1 handfull) 3. Hugasan ang malunggay leaves (at least half of a stem) 4. Igisa sa unsalted butter ang minced garlic, binabad na bigas (drain water first), kalabasa at malunggay. Igisa at haluin for at least 30 secs. 5. Put one cup of water (low heat) 6. Put a pinch of turmeric and dried Basil powder. (mabibili to sa mga grocery stores or market for as low as 20 pesos each, optional ang dried basil, gusto ko lang syang iintroduce sa mga spices one at a time). 7. Takpan. Stir occasionally. 8. Pag patuyo na ang tubig at malambot na ang kanin at kalabasa, i-off na ang stove at i-mash gamit ang potato masher (leave some food texture para may manguya si baby) kung tingin nyo ay hilaw pa, pwede nyo pong dagdagan ng tubig at ipagpatuloy ang pagluto. 9. Best served with sliced fruits. SOME VEGGIE COMBOS THAT I'VE MADE: broccoli - carrot- moringa Munggo-moringa (hugasan at ibabad muna ang munggo sa tubig overnight bago lutuin) Carrot-potato Corn-carrot-moringa Cauliflower-carrot-moringa Marami pa pong combination na pwedeng gawin, nasa sa inyo na lang po kung ano ang gusto nyo at kung ano ang available near you. And yes, i always put a bit of malunggay because it's nutritious. Pero pag walang mabilhan, okay lang din. This serving is good for my baby's lunch and dinner. Pinapalitan ko lang yung fruits nya, he loves eating fruits. I serve him a different meal for breakfast. Have a good day mga ka-momsh!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles