Seeking for advise

Hi mga momsh, ask ko lang sana opinion nyo. Si hubby meron syang kachat na girl na kawork nya. Pero hindi naman sila nagpapalitan ng sweet conversation. In fact parang naging expression nila na palagi nagmumurahan every after exchange msgs. Minsan si hubby nagsasabi ng updates sa buhay nya/naman kay ate girl especially nung buntis pa ko. Minsan sinasabi nya kay ate girl na galit na galit na naman ako sa kanya...then lagi nya binubura yung convo nila everyday kahit wala namang mga sweet words. Nagtataka tuloy ako kung bakit kelangan nya burahin eh samantalang yubg ibang girl na kachat nya hindi naman nya binubura.. Minsan nagpapalitan din sila ng mga selfies... One time tinanong ko si hubby kung nagbubura ba sya ng chat/msgs, sabi nya hindi daw, kaya hindi ko na inusisa pa... Ano po kaya? Sa tingin nyo po may kelangan ako ipag alala? Sa palagay nyo nagchicheat si husband? Paadvise naman po please. Thank you.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pakinggan mo ang kutob mo sis. Kung malakas ang kabog ng dibdib mo na may nangyayari,wag ka magpa patay patay. Imbestigahan mo. Pag nakakuha ka ng ebidensya,saka mo kumprontahin ang asawa mo. Kahit kelan,hindi naging normal at okay ang pagbubura ng mga messages. Ang taong walang ginagawang masama,walang tinatago.

Magbasa pa