ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naku momshie wag ka pong papayag na pupunta xa dun mg isa. Samahan mo na lng xa kung gusto nya bumisita. . Kahit nmn aq kung gnyan ang situation eh baka kung anu maisip q. .kausapin mo po si hubby mo. Set a rules.kasi nkakastress mg isip ng mga ganyang bagay. Tsaka mas mabuti na yung sigurado😊

May mas karapatan ka, kausapin mo silang parehas na di pwede ang ganong set up na iklaro mo don sa kinakasama ng asawa mo na dapat sustento lang ang ibibigay nya at atensyon sa bata at wala ng iba. At dina kamo pupunta don yong mister mo kung di naman kinakailangan or walang emergency. Kausapin mo sila ng masinsinan at ipatindi na may mas karapatan ka

Magbasa pa

Bigyan ka nya dapat ng respeto dahil ikaw ang asawa nya. Hays

hirap naman nian bakit di mo agad nalaman na my kalive in sia gaano ba kau katagal mag ka relasyon bago ikasal sana kinilala mo mna lubos sis . ikaw mahihirapan dian sympre hindi mo din pwed ipagdamot dun sa isang bata ung tatay niya . pero gawin mo sis kausapin mo yang asawa mo about ur feelings sabihin mo n ayaw mong pmupnta sia dun kc tama ka hnd mo alam kung baka may ngyayare sa knila possible tlga un. kung gusto niya nkikita anak nia edi sbihin mo dalhin dian sa bahy niu tapos iuwi ng gabi ganun sis suggest ko lang.trymo .

Magbasa pa
5y ago

true hiwalayan mo na girl lalo nat ganian nakikitaan mo na ng ibedensya n my something prin sa knilang dlawa wag mo pahirapan sarili mo hnd normal ung ganian n nag sasama pa sila matulog tapos my pa cs pa.

As long as you have the marriage contract, na sayo ang huling halakhak. Ikaw mismo nagsabi na baka may nangyayari pa sknla during Sundays. You wouldn't know. And come to think of it, he never told you bago kayo ikasal na may ka-live at anak sya dati kse takot siyang hindi ka pumayag. Ang tawag sa asawa mo, sigurista at mapagsamantala. Gusto dalawa dalawang babae sa buhay niya. Ano yun? Salitan? Kupal. Kng sincere syang anak na lang ang connection nla nung ex nya, hindi nya kailangang magsinungaling sa umpisa, edi sana napag usapan nyo pa kng pano mggng set-up nyo sa bata. Kse instead na puntahan nya dun, pwede namang dalhin na lang nya sa inyo kng gsto nya makabonding yung anak nya. At least dun, minemake sure nya na panatag ka. But, sad to say, it's the other way around. BE WISER AND SMARTER, MA. STAY STRONG

Magbasa pa
5y ago

Tama nga naman. Kay momsh maging sigurista.