ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kasuhan mo. Kasal na kayo, ang laki ng laban mo. Kung pagtsatsagaan mo, ang laki ng panalo mo dyan sa kaso.

Girl, ikaw mag kaka STD niyan pag di mo yan tinigil. Salit salit na pepe pinaoasukan niya ano sya diyos???

Kung mahal ka talaga nyang lalaki yan. Wala ng rason para mag sama pa sila. Siraulong lalaki

Tuwing sunday kunin nya anak nya at dalin nya sa inyo if di ppyag sustento lng ang ibigay

Yes pwede pakasuhan po silang dalawa. Specially malakas yung evidence kasi may anak sila

5y ago

Teh nagka anak sila bago sila magkakilala at ikasal. Pero pwede nia kasuhan kung mapatunayan nia na may nangyayari pa din sa dalawa dahil kasal sila

Patulfo mo na momsh..kakagigil mga ganyang lalaki! Sarap putulan ng bayag 😑😠

Kasal kayo,.live in kayo, then live in dn sila?? Naku, sis kasuhan mo na yan

Baka buntis kasi yung ka live in? May tawagan pa sila sa text diba, sabi mo? 😂

Pwede mo po sya kasuhan pag nakita mo sya na nasa bahay sya nung kalive in nya.

nakakainis yung mga lalaking ganyan gusto may reserba hindi makontento sa isa