low supply of breastmilk

Mga momsh. Ano po ang pwedeng inumin pamparami ng breastmilk? Unli latching naman ako pero di na nag e engorge breasts ko. Si lo naiyak na kasi mabilis madrain breasts ko. Underweight tuloy sya for 2 mos. 4.3 kilos lang sya. Sinubukan ko nalang din mag formula pero ayaw tlg ni lo sa bottle. Napagod nalang sya kakaiyak ayaw tlga... Ung natalac ba effective? Help naman mga momsh. Any tips?

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang consult po sakin ng doktor Peanuts - peanut butter Clams shell fish/ fish Malunggay Milk-Milo before or after breastfeeding Saka lots of water talaga Kapag nagutom after mag pa dede kain lang ng kain Wag na wav daq gugutumin ang sarili importante din po na mag warm compress sa breast lalot baguhan palang nag papadede para maganda ang milk flow mo mommy :) dont lose hope

Magbasa pa
Post reply image

Tinola style na luto sa tahong po na maraming malunggay...inomin mo po yung sabaw din. More more water din po tsaka Natalac 2x a day po. Pansin ko sa akin pag dehydrated ako humihina gatas ko. Pero pag maraming tubig nainom ko nag chacharge yung gatas ko. Try mo lang po for baby

I have the same problem. Di ko din sure pero feel ko nakakatulong yung bottle ni baby. Tommee tippee. Sabi kasi nila closest to mother's breast yun. Pero inom ako ng inom ng water then almost every meal malunggay tapos milo always sa gabi. So far dumami naman milk ko. 😊

4y ago

Nako momsh. Kaya ako konti muna binili ko sa bottle. Hiyangan din kasi. Yes momsh milo daw kasi nakakadami ng milk yung malt. Saka oatmeal pala momsh. Yung natalac baka effective naman kasi yun daw nireseta sa friend ko. Now 15 months na lo nga ebf pa din sila. Good luck momsh 😊

VIP Member

More water preferably maligamgam. Wag ka pong iinom ng malamig.. Higop din ng mainit na sabaw. Mas mainam prin ang fresh Malunggay kesa mga Naka capsule. Nagtry ako nun ng Malunggay capsule dun humina supply ng milk ko Kaya ung fresh Malunggay nlng at halaan

Mommy drink more water , malunggay soup, lahat itry mo mommy ng pwedeng pam pa gatas para kay lo mag hindi naman talaga need ng malaking breast para malaman natun yung gatas natin is madami may ganyan po talag sis.

VIP Member

Hi mamsh, try mo po mega malunggay 2-4 capsule/day den inom ka din po ng mga sabaw,milo or mligamgam na tubig po.. Unli latch lng din po lalakas din po ang BM mo po. Godbless po

VIP Member

More water mommy, yes make sure maempty ung breast mo para madede yung hindmilk and magproduce ng more milk. Halaan with malunggay try mo sobrang nagboost milk ko before.

Mega-malunggay, unli-latch, and magpakulo ng pork buto-buto, use buko juice na pampakulo and add 1 cup of water, add sibuyas, bawang and gulay, season with salt only.

TapFluencer

Halaan with malunggay momsh. Natalac na try ko 5pcs lang binili ko 3 lng nainom ko nun kc dumami na po gatas ko. More milo at water din po.

Try mo po ipahilot breast mo momsh.. baka hndi lang nakakalabas ng maayos gatas mo... ganun kasi ginawa ko... try mo din ihot compress...