hirap matulog

Mga momsh ano gagawin nyo kapag yung asawa nyo napakalakas humilik na tuwing gabi nalang ikaw taga gising para umayos sya ng higa.pinakiusapan mo na lahat lahat wala parin napakahirap po kasi matulog dahil sa lakas ng hilik nya tapos minsan bigla nalang magigising si lo. Kapag naman sinabi ko hindi ako nakatulog sa hilik nya sya pa galit. Pagod or hindi ganun po sya talaga. Dati po kasi hindi kami magkatabi matulog dahil sobrang pagod ako kapag hindi ako makatulog sa hilik nya nag aaway kami kaso ilang weeks narin na magkatabi kami kasi may natutulog na sa tinutulugan nya dati.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh, baka po may sleep disorder si hubby. Di po normal yung sobrang maghilik. Nahihirapan po yan huminga kapag nahilik. Ganyan din kasi si hubby ko before. Sobrang lakas niya maghilik. Ang ginagawa ko kapag natutulog kami pinapatagilid ko siya, nawawala naman yung paghilik niya. Pero sinabihan ko siya na magdiet kasi hindi normal yung naghihilik (pinapasearch ko sa kanya sa google kapag hindi siya naniniwala sa sinasabi ko). Every morning and afternoon nagjajogging siya tsaka nagketo diet. Ayun, hindi na siya ganun kataba at di na rin nahilik kahit anong pwesto niya sa pagtulog.

Magbasa pa

Gisingin mk sabihin mo higa siya ng patagilid. Napansin ko husband ko pag sobrang pagod nya lakas nya din himilik tapos naka nga-nga sya. Kaya sinilil ko yung bibig tapos naka atras yung dila na parang naka bara sa lalamunan kaya siguro pero not sure kung yun ang dahilan ng pag hilik. Kaya napa google ako ng wala sa oras. Sabi patagalid daw dapat ng higa para hindi umatras yung dila. Kaya minsan nagigising sila sa hilik nila pag sobrang naka bara na yung dila e. Try mo lang momsh. Ayoko lang din mainis nuon sa kanya kasi hindi rin naman nya gusto yun. 😅

Magbasa pa

Si husband grabe din humilik meron pang time na parang mamamatay na pero salamat sa Panginoon nasanay na ako momsh sa 1 year naming magkatabi. May kwento lang ako about hilik momsh hehe nung kasal ng kuya steve ko maraming bisita at tao so marami kami sa sala natulog sos the whole night hindi ako makatulog dahil may naghihilik na napakalakas at nonstop sya na motor talaga ang tunog grabe d ako makapaniwala hanggang ngayon that is 7ys ago meron palang taong ganun nawala tuloy yung excitement ko sa kasal antok lang meron ako.

Magbasa pa

grabi din humilik ang hubby ko before. Ang ginagawa ko nalang is itulak sya para tumagilid sya matulog, that way humihinto ang snoring nya. Laging ganun ang ginagawa ko sa kanya, until nasanay na siguro sya, di na sya humihilik. Also, overweight kasi hubby ko noon but nung nagpapayat sya, hindi na sya humihilik. Siguro, nakatulong din yun. Hehe 😅

Magbasa pa

Matulog kamo ng nakatagilid. Usually kasi pag nakatihaya matulog ung prone sa paghihilik. If ganun pa din eh magearplugs ka na lang. Kasama yan sa pinakasalan mo and Im not sure if may cure ba sa snoring. Kelangan mo na lang tanggapin. Di rin naman naccontrol un e

mahirap talaga matulog pag ganiyan .bute naman hindi na hilik si mister heheh🤣😂 baka sakalin ko nalang siya haha😂 kung hihilik man siya pag magod kaso sobrang hina lang hindi mo man mapapansen kung hindi ka gising😂

Mag earplugs ka na lang mommy hehe o kaya mag earphones ka na may sleeping music o kaya meditating music atleast marerelax ka. Nakakabitin naman kasi ng tulog ung tatapikin mo sya lagi para tumigil. May ex ako na ganyan eh.

Hay nako. Nasanay na lang din ako pati baby namin. Sanghol pa lamg nun napakahimbing matulog ktbi tatay nyang sobrang lakas ng hilik. Nakasanayan ko na, nakakatulog na rin ako sa hilik nya. No choice eh.

Sampalin nio po si mister. Gnyan ginagawa ko sa asawa ko twing maghihilik sinasampal ko. Edi pareho kaming hindi nakatulog ng maayos diba. Damay damay na 😂

Ako po sinasampal ko kainis eh may migraine po kasi ako hirap ang tulog ko kaya kapag nagigising ako sa hilik niya nasasampalko di madaan sa pasabi na humihilik eh