Baby needs and essentials

Mga momsh 32 weeks na po ako pero di pa ko nakakabili ng mga wipes,cottons,alcohol etc. Balak ko kase pag 9months na ko kaso sabi bawal na daw lumabas pag kabuwanan mo na? Ayaw ko po mag-order online kase madami pa proseso lalo pag delivery na. Gusto ko makikita ko mismo bibilhin ko.

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mag start ka na po momsh 8 months ka naman na po, mahirap pag biglaan unless you have a big budget po. I'm 33 week na pero patapos ko na ma complete needs ko po and halos lahat sa online ko lang po binili. Okay naman po quality. Check mo lang kung mataas yong ratings niya, sakin pag 4.8 ang above stars don ako tumitingin, saka check mo rin yong reviews ng mga previous buyers. Dumadating din order ko 2 to 3 days lang. Di naman po hassle ang delivery. Sa Lazada or Shopee lang ako. Pag 9 months mo po kasi ikaw bumili nasa 36/37 weeks ka na niyan mamsh mahirap na kumilos nang kumilos and doble ingat ka na rin niyan since anytime pwede ka na manganak.

Magbasa pa