Leaking of amniotic fluid??
Hi mga moms, nagkakaroon po ba kayo ng watery discharge na ganito? Normal discharge or amniotic fluid? - first time mom - 35w pregnant Update as of June 11, 2022: Nireport ko po ito sa ob ko at pinapunta ako sa clinic nya right away. Nag conduct sya ng speculum exam, tiningnan ang cervix ko kung may nagli-leak na water. Yun yung papa-ubuhin ka during the process kung may lalabas na amniotic from cervix. Thanks God naman po, walang lumabas during the examination, kahit 3x nya ako pina-ubo (cough). Pero pina-ultrasound nya din ako, to check the amount of amniotic fluid and the status of my baby. Buti nalang po ay 8/8 ang Biophysical Profile Monitoring kay baby, dahil kung mag 6/8 ang score, need na ilabas si baby as premature. :( Thank you Lord ๐ Need pa din po i-monitor ang discharge ko, if may watery talaga. So far po, wala na ko na experience tulad ng nasa photo attached. P.S. Bigla kasi ako kinabahan nung nakita ko ang water-like sa panty ko. May nabasa na kasi ako dito na na-stillbirth dahil natuyuan daw ang baby at hindi napansin ni mother na nagli-leak pala ang bag of water nya. #pregnancy #firstbaby #pleasehelp #thankyou