Asking and good advice

Mga mommy,nagpacheck KC ako knina sa OB ko. Sabi nya 6weeks na Ang pregnant,kasu mga mommy nung ultrasound na walang heartbeat Ang baby?then babalik ako next saturday.masakit na masakit Yung Sabi Ng OB na if ever na Wala paring heartbeat c baby next Saturday,xbi nya patay na Yung baby???may magkarun po ba Ng ganitung history.pa advice ako mga mommy. Masakit KC pang 2 baby ko na Sana tuh,Yung una nkunan din ako nung 3months palang be last 2018 ??????

Asking and good advice
82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi. Just want to share my experienced, that also happened to me 2017, it was my first pregnancy at the age of 40, I got married at 38 din kasi medyo late so I was adviced to go to infertility ob to get pregnant since high risk na talaga sa age ko, more than a year pa ulit ulit ang ibat ibang test to get pregnant but wala pa rin. Then decided not to visit w/ my ob after 6 months got pregnant, so thankful that time but sad to say 6 weeks din nag ultrasound wala din pong heartbeat, but I was informed w/ my ob if after 8 weeks wala pa din po, so possible non viable na po ang pregnancy, so it happened talaga kaya pina antay nalang nya if mag bleeding ako kasi pag walang bleeding dapat may i take na ako na med pra mahulog na, so on the 9th weeks ng bleeding talaga so complete miscarriage po ang nangyari no admission sobrang lungkot but still hoping na nasa if God's will may chance pa talaga. So may 2021 delayed ako kaya nung June nag pt ako so positive, rush ako agad sa ob and so grateful no complications during my entire pregnancy and I delivered ceasarian last Jan. 16, 2022 a healthy baby boy at the age of 45. Take note high risk with my age, at may myoma pa both sa left & right at saka sa cervix kaya sabi ng ob & doctors ko its a miracle baby. Kaya my advice sa yo sis just keep on praying, trust everything sa Panginoon, if ano man ang kahinatnan ng pregnancy mo ngayon just entrust everything to the Lord. I hope naka share po ako ng inspiring experience specially sa mga gustong gusto na ma buntis. Good luck and God bless po

Magbasa pa

Sis wag ka mastress. Wala pa talagang heartbeat pag 6 weeks. Ako din nga ganun eh kesyo niresetahan pa ko ng pangpakapit tapos di pa namin tinuloy ni bf yung plano namin sa subic nakabook na kami ng hotel at inflatable island basta dami na namin gastos di namin tinuloy kase sabi ng ob 50/50 daw si baby(yolksac palang ang nakita sa trans v) edi ako eto kabang kabang inom ako pangpakapit for 1 week tapos another week inantay ko para makapag pa trans v ulet ayun may heartbeat na si baby. Kinwento ko yung nangyari sa sonologist then sabi nya sakin: Sonologist: sabi ko naman sayo balik kalang after 2 weeks eh maaga pa kase masyado para magkaheartbeat si baby ganun talaga di naman delikado lagay Ayun inis na inis ako dun sa ob kase imagine yung 2 weeks na kabang kaba ako baka di matuloy si baby lintik yon. Ending nagpalit ako ng OB. Pag di ka kumportable sa ob mo magpalit ka

Magbasa pa
3y ago

baka lang po maliit pa masyado si baby kaya di pa madetect yung hb niya po. saken kasi 4-5 weeks nagpatransv ako wala din pong hb si baby then after one month nagpatransv po ko ulit meron na pong hb si baby. 😊

Ung first pregnancy ko, embryonic demise. Dapat 8 weeks na siya pero nung naTVS ako, 6 weeks lang ang lumabas and wala heartbeat so umulit ako ng TVS after 2 weeks. Nung nagpaTVS uli ako, di masyado lumaki baby ko, dapat 10 weeks na siya pero 7 weeks ung size, still no heartbeat. I was advised to D&C na. Bago ko ma admit sa hospital after a week, nagpa TVS uli ako pero talagang wala eh. No heartbeat talaga. Bali paliwanag sakin, nalaglag na baby ko pero nakakapit uli pero since marami na dugo sa loob ko, di na siya nakasurvive. So hindi siya talaga for me. Nagpa D&C na ko that same day. Now pregnant ako and happy naman ako na sobrang lakas ng heartbeat ng baby ko, umaabot ng 168bpm. Twice din ako nagpa TVS to make sure na within firat trimester, lumaki talaga siya and consistent na may heartbeat.

Magbasa pa
3y ago

hindi mi.. sa ospital na ko pinadugo. gabi may nilagay na gamot ung OB ko then kinabukasan niraspa na ko.

mga mommies if ever na may sign po kayo ng miscarriage then buntis kayo i bedrest nyo po kasi furst trimester nyo lang then iwasan nyo mastress same sa case ko nakunan ako then wala pang 4months nabuntis ako di masyado makapit ang baby pero di ako nagpakastress nag bedrest ako kahit di sinabi ng ob ko iniwasan ko ang stress at first trimester ko bedrest lang ako then pag patak ng second trimester ko umokay ang baby healthy at sumobra pa sa timbang basta pray lang palagi and ingatan ang mga sarili

Magbasa pa

ganun din sakin momsh, nag papa check up ako nun wala pa nakita Yung OB ko ilang weeks na ako pa balik balik sa clinic walang nakitang baby at di makita HB ni baby 9weeks na ako nun pero nung 12 weeks ako bumalik ako sa OB ko ayun narinig ko na din HB ni baby at nakapa na din c baby Kaya laking pasasalamat ko ky OB kasi dati una kung nag pacheck up Sabi pa nya na baka bukol daw or walang laman kinabahan talaga ako kaya ngayon mag 3months na akng preggy at mag 4months na din Kaya pakatatag ka lang

Magbasa pa

Same here, sa sobrang excited nagpaultrasound agad ako 6weeks pa lang, ang result no heartbeat si baby. Pinabalik ako after 2weeks and may heartbeat na. Dapat daw kasi 8weeks talaga ang sure na may heartbeat na. Pero as per doc dapat may heartbeat na by 6weeks may ibang case kasi na Ganun. Pero okay na rin na maaga nagpacheckup para mainom mga vits reseta ni doc. Makahelp un sa development ni baby. Tiwala lang meron na yan.

Magbasa pa

saken din momsh nangyari na yan , nung nagpa check up ako at 8weeks , walang heartbeat c baby.. Tas binigyan ako ng request form ng midwife for early ultrasound para makita kung meron nga , nung nagpa ultrasound ako 3months na tummy ko , & iwas surprise and happy kasi okay na okay c baby , may heartbeat & gumagalaw pa sya nung inultrasound ako. Ngayon sobrang likot na nya at 19weeks 😍😇😘 pray ka lang po momsh , walang imposible.

Magbasa pa
5y ago

Hi po tanong ko Lang if kailan Yung last na niregla ka po.

Nung nag pa TVS ako nung 6weeks palang kasi nga may complications yung discharge ko, sabi ng ob sobrang hina ng heartbeat tapos early pregnancy naiyak ako kasi sinabi pa nung nag TVS sakin na ulitin daw after 2-3 weeks baka maka survive pa, Nanginginig ako sa takot pero kinaya ko ginawa ko lahat ng payo, normal lang na di nila agad nakikita yung heartbeat kasi sobrang aga pa, yun nag paulit ako at normal na lahat

Magbasa pa

Hi sis ganyan din ako ngayon sa linag bubuntis ko 6 weeks din ako nung nag la trans v sakin po wala pa ding heart beat and may hemorrhage po na nakapalibot sa kanya may pcos din ako both ovaries nun kaya super delikado. Pinag take lang po ako ng vitamins and gatas bedrest na din. Nung pag balik ko inulit yung trans v ko okay ma sya may heart beat na at visible na yung ultrasound na baby na sya ☺️❤️

Magbasa pa

Pray lang mommy.., Don't stress ur self po.. Kain ka ng mga healthy food.. esp fruits and vege. Same po tau 5weeks po ako nung first transv ko. wala pa pong nakitang baby and wala din heartbeat, gestional sac lang ang nakita pero pag dating po ng 8 weeks dun ko po pinaulit ang transv.. doon na kita na at narinig na ung heartbeat ni baby.. Kaya pray lang po mommy.. Iwas muna sa mga mabibigat na work..

Magbasa pa