Hello.
Share ko po muna yung sakin.
Pareho kami only child ng husband ko, arranged marriage kami, hindi kami magkakilala talaga.
Naging challeng rin namin yung challenge mo.
For the first 6 months akala namin hindi kami magtatagal kasi lagi kaming nagaaway.
Yung ugali niya ang pinag aawayan namin kasi HINDI KO TALAGA SIYA MAINTINDIHAN.
Hindi pa kami close nun tapos hindi pa siya open, hindi nag sasalita, puro laro sa cp, hindi nakikipag usap, hindi nag oopen up ng nararamdaman, hindi marunong mag tanong at hindi marunong tanungin, tapos sooobrang moody. Para bang wala siyang asawa na kasama at parang may sariling mundo. Tapos hindi rin siya marunong mag care sa iba, sarili niya lang.
Lagi ko ino-open topic yung ugali niya.
Kasi gusto ko siyang maintindihan bakit siya ganon.
Sinasabi ko sakaniya na hindi ko mahuhulaan ang nangyayari sakaniya kung hindi siya mag sasalita.
Ang relationship ay give and take.
Lagi ko siyang ina-advice kung paano ba dapat ang relationship para mag work.
Dapat hindi lang kami mag asawa, dapat friends din kami, kasi ako na makakasama niya for life.
Tapos inaalam ko yung punot dulo ng ugali niya.
After 6 months ko dito sa bahay nila. Doon ko naintindihan.
Sheltered siya masyado.
Hindi siya marunong mag care sa iba kasi lagi siya yung binibigyang care hindi siya tinuruan na mag care kahit sa bagay man lang.
Hindi rin siya sanay mag voice out nang nararamdaman niya sa parents niya ata kapag pinagsasabihan siya oo lang siya kahit masama sa loob niya sabay alis. Isa sa reason moody siya.
Wala rin siyang friends.
So basically loner siya bago niya ako makilala.
So my advice is alamin mo kung bakit siya ganon.
Make him understand how relationship works.
Be the teacher, ikaw mag tuturo sa kaniya mga mali niya at ano ba dapat gawin.
Voice out your concern, always and clearly. Kasi kung hindi mo sinasabi sama ng loob mo, mauuwi sa resentment yan, mawawalan ka ng pagmamahal sa asawa mo.
Be patient and dont lose hope, maayos niyo rin to.
Alam ko nakakapagod ang mag karoon ng misunderstandings.
Pero kasama na talaga yan sa buhay mag asawa.
Basta alam niyo dapat na mahal niyo ang isat isa kahit ano malalagpasan mo.
Anonymous