Relationship problem..
Mga mommy, tatanong ko po sana pano ba dapat ko gawin. nahihirapan na kase ako kakatiis. Yung partner ko po kase walang kibo as in literal. Pag okay kami ako palagi magtatanong sakanya ng lahat ng bagay hindi ba sya yung kusang magsasabi. Halimbawa katulad nito yung lolo nya may sakit di na talaga makalakad nito lang close po ko sa family nya pero wala sya nababanggit sakin. Nalalaman ko na lang sa messenger nya. Ganun palagi. ako na lang makakaalam ng mga bagay bagay wala syang sinasabi sakin. napag usapan narin namin to na wala kako mang yayari sa relasyon namin kapag ganyan sya. ang hirap.. nakikisama rin kase kami sa parents ko last time sabi sakanya ng mama ko magluto na sya advance ng gusto nyang baunin na ulam for work kase di ko magagawang magluto at ako naman pang nightshift ang work. Nagluto nga sya kaso pang sakanya lang talaga. Ganun ba yung nakikisama😢 Sinasabi na rin sakin ng papa ko nak bakit hindi ka ibili ng tinapay ng asawa mo wala ka makain kapg ngtatrabaho ka kung may pera lang ako di ka nawawalan ng tinapay... well, totoo yan asikaso ako ng pagkain dati lalo ni papa ko. pero syempre nag asawa na kaya hinahayaan na. parang nahihiya ako 😢 tama pa ba to. hindi ko na alam. Okay naman kami pero kapag pinapalagpas ko lang mga bagay bagay. pero dadating at dadating ka talaga sa point na mapupuno ka . at feeling ko sagad na ko😢 hindi lang tatlong beses lagpas 5 beses na ata namin to naging problema. para kami ngayong nagsasama sa iisang bubong na hindi magkakilala.. hindi kami nag uusap literal. at sobrang saket😭 ano po ba dapat kong gawin😭#advicepls #pleasehelp #1stimemom