49 Replies
Depende po yan mommy kung sa hospital or center then kung papabalik balikin ka ng OB. Ako kasi mahal inabot ng 5k para sa Vitamins, OB fee (2 times ako nagbayad, nagpabalik balik kasi sa OB), bayad sa Transvaginal Ultrasound, Urinalysis, Laboratory Fee yung para sa dugo para malaman kung preggy talaga.
Kung minsan kasi sa OB palang 400 na yung bayad tas yung gamot pa na ibibigay sayo na monthly dipende kung ilang buwan kana para mabigay yung vitamin na need mo nug kami kasi monthly namen is 2k 2100 o kaya 2500 na pinaka mahal pero sa 2500 anjan napo yung inject😊
Mga 3k po sis. If private ob. Pero kung sa public hospital po or center mga 1k pwede na for ultrasound and laboratory. Ako po kasi public hospital siya. 500 lang andun na pamasahe ko, laboratory and food. Sobra pa yun. Haha
first check up ko 600 dr.'s fee (OB Gyne) plus 1700 TVS first trimester ultrasound un. plus vitamins na irereseta. :) San Juan de Dios Hospital yan. Mahal pero sigurado ka. pero meron nmn pong mura sa mga centers.
Kung check up lng wala lab po. Mga aroun 400 to 600 pesos depende sa prof fee ng ob. If may test like transv which is usual sa first check up, ganda k around 800 to 1200 plus consultation fee.. B
1K lang nagastos ko dahil sa public ako nagpa check up. Tyagaan lang sa pila. Dito sa amin wala namang problema at asikasong asikaso ang mga nanganganak basta regular ang pagpapa check-up.
750 medical city (pasig). Pero pag may health card ka, minsan po covered yung consultation. Mga tests po ay out of pocket expense. Wag ka kabahan momsh ;) Pray 🙏
Usually nagrange ang check up from 250-500 mamsh. Minsan may mga package na sila na 2k pataas kasama na mga laboratories mo. Pero sa center mamsh libre lang.
Sakin po 400 consultation and 900 TVS.may mga iniresetang vitamins at requests for laboratory pero sa nxt check-up pa dadalhin results ng labtest
1600 siningil ni OB sa akin kc may kasamang pap smear, plus ung med na binili ko sa mercury, not sure of the exact price though.
Leslie Fe Jaro-Ila