Need advice

Mga mommy sobrang di na ko comfortable sa OB ko, it's like pera pera nalang. Tuwing check up Hindi nya man lang ako kinukumusta ,Hindi man lang sya nag tatanong .Basta pag pupunta ako sakanya sisilipin lang si baby tapos reseta then done na. Eh last time na nagpa check up ako Hindi nasilip si baby Kase magbibigay uli sya ng copy ng ultrasound so Sabi ko if pwede bang next time nalang,tapos ayun pinakita nya lang Yung heart ni baby sa ultrasound monitor. Yung nirereseta Hindi man lang iniexplain Kung para saan Yung mga Yun. What to do? Naghahanap kami ibang OB Wala naman kami mahanap puro midwife

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Had the same experience mhie. 7 months na ako nung lumipat at naghanap ng OB and meron naman kami nakita ang sobrang bait at caring ng bago kong OB ngayon. Nasa private maternity hospital yung unang OB ko pero mas bet ko yung OB ko ngayon kahit sa lying-in lang siya. Nagkaproblem ako sa dugo and dito lang sa current OB ko na feel na concern talaga siya sa health ko and ng baby ko.

Magbasa pa
3y ago

Sana makahanap din po ako ng caring and mabait na ob