hirap huminga
Mga mommy sino sa inyo nakaranas na parang hinahabol ung hininga parang kulang ung hangin na nalalanghap mo 7month preggy at hirap huminga..
Heartburn, tas si baby kase floating sa chan natin. Madalas nasa taas siya. Higa ka lang patagilid
Nako mamsh ako ganyan hirap sa pghinga minsan pa nga habang natutulog kinakapos ako ng hininga .
Same . Ganyan din po ako 7 month na din sakin . Ang hirap maka hanap nang pwesto sa pag tulog
Same here , kaya hanap nLang ako ng perfect angLe pra makahinga ng maayos kahet ppano ..
normal lng po yan. ako nga po 5 months palang pero meron ng times n hirap din huminga
Ganyan ako momsh nung buntis. Lalo pag nakahiga ako patihaya o madami ako kinain.
Normal lang po yun. Minsan pa nga sa pagtulog ko para akong nauubusan ng hininga.
Ganyan ako noon.parang hinihika ginagawa ko umiinom ako tubig tapos deep breath.
Same... Hirap tlga...turning 7mos..kambal pa cla... Hirap dn hnapan pwesto...
ganyan din ako dati. normal lng yan sabi ni OB, lumalaki na kasi si baby
Mummy of 2 energetic magician