postpartum

Hi mga mommy share ko lang napag daanan ko ngayon. March 1 2020 na CS ako kasi mabilis heart rate ko then after nun mabilis naman ako naka recover after 24 hours nakakapag lakad na ako.. kahapon kami naka labas ng baby ko pero ngayon iyak2 ako ng iyak ng wala namang reason feeling ko ang lungkot lungkot ng mundo ko .. ung luha ko ayaw tumigil .. andito naman asawa ko sinosuportahan ako lalo na pag umiiyak ako niyayakap nya ako . Ano po ba dapat kung gawin para di na ako iyak ng iyak .

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh ganyan din ako. I won't say it's normal at pareho tayo dahil magkakaiba lahat. Basta accept mo lang mamsh na pagdadaanan mo yan at you have to be resilient. Ako din nung up to mag 1 month lo ko ganyan ako eh. Lagi ako nagbe-breakdown kahit walang dahilan. It's a phase po na tawag nila postpartum blues, this is different from postpartum depression po ah. Almost same symptoms po pero mild lang at sana wag na lumala. Naiiyak tuloy ako kasi naalala ko yung pakiramdam na parang nagiisa ka lang kahit may kasama ka or kahit nandyan naman si hubby. Basta stay strong mamsh. Keep yourself occupied. Nood ka ng mga pangpa good vibes tas maging active ka lalo sa pag aalaga kay baby mo. Remember, kailangan mong makarecover not just physically, mentally din. Hindi para sayo kundi para na rin kay lo mo. Pray ka lang mamsh and eat sweets hehe, lagi ako kumakain ng comfort food pag ganyan ako. Sana makatulong.

Magbasa pa

eat banana source of happiness ang fruits na banana