Hello mommy. Share ko lang experience ko kasi ako din lumaki boobs ko nung preggy pero maliit nipples. 3 months na din baby ko, CS birth.
Kasi nung una, super frustrated ako magpa-BF. Di kagad ako nagkamilk. Ang dami ko na sinubukan, nagpump na din ako, hinilot ng nanay ko yung boobs ko and umiinom ng Natalac and malunggay tea. Pero wala pa rin. Yung baby ko di ko kasama sa room that time kasi need i-antibiotics sa nursery. Then nagdecide yung pedia niya na isama na sakin para magkagatas ako. Tapos nung nagpapa-BF ako, nahihirapan naman mag-latch si baby kasi maliit nipples ko. Nakakaiyak actually that time kasi nakaka-frustrate na. So short story, ang key para magkagatas is skin-to-skin with baby. Atsaka para naman masustain, supply and demand. Need na laging naka-latch si baby. Tyagaan talaga. So mommy di pa huli lahat, pwede ka pa mag-relactate if di ka na nagkkamilk. Skin to skin lang kayo ni baby, unlilatch. The more na may need si baby sa milk, the more na makakaproduce ka po ng milk. Kaya yan :)
Magbasa pa
Queen to a little princess