Sinisikmura / First time mom

Mga mommy, sensya na po first time ko magbuntis. 9 weeks na si baby ko sa tiyan, lagi po ako sinisikmura and nangangasim tapos parang naikot sikmura ko.. ? wala din po ako gana kumain pero nagugutom naman ako. ? Ano kayang pwedeng kainin? Di pa ako makavisit kay OB kasi sa aug 5 pa pra isahang check up nalang sana.. Tipid eh ?

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo sis, ako din dumaan sa ganyan, ilang months din po akong nagtiis, di ako makainom ng water kc sinisikmura ako. Puro tubig ng buko na pinalamig ang water ko, di ako makakain ng rice, camote, saging at mais ang kaya kong kainin. Anmum na may ice ang tinitimpla ko sa gabi. Mas okay po sa feeling pag malamig ang iniinom. Milk tea once a day, lately ko nlang nalaman na bawal pala milk tea dahil may sugar. Ngayon po mag20weeks na baby ko, nakakakain npo ako ng normal, pakunti kunti parin.

Magbasa pa