Sinisikmura / First time mom

Mga mommy, sensya na po first time ko magbuntis. 9 weeks na si baby ko sa tiyan, lagi po ako sinisikmura and nangangasim tapos parang naikot sikmura ko.. ? wala din po ako gana kumain pero nagugutom naman ako. ? Ano kayang pwedeng kainin? Di pa ako makavisit kay OB kasi sa aug 5 pa pra isahang check up nalang sana.. Tipid eh ?

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nako sis ganan din ako, akala ko mga dahil lang sa gastritis ko kaya sobrang pilipit ako sa sakit yun pala sign of preggy na. First month hanggang 3months naging routine na ng sikmura ko ang sumakit sobrang nakakapanghina

5y ago

Oo sis nakakapanghina at naiiyak ako kasi di ko din mapaliwanag sa sarili ko kunv ano bang gusto kong gawin. 😒

Ganyan din po ako nun nasa 1st trimester. Di makatulog sa gabi kasi nangangasim na sinisikmura. May nireseta si doc pero di ko din naubos kasi nawala din sya bago naubos un gamot. Tiis tiis na lang po talaga.

Ganyan ako mommy mga 3or4months na tummy ko na confined panga ako dahil dyan. Inom ka lng po ng water o kaya pocari sweat sabi ng ob ko tapos po crackers kahit paunti unti and every 2hrs kain ka po ulit.

Ganyan ako noon 1st trimester ko. Hindi ko pa talaga alam na buntis na pala ako. Always nangangasim sikmura ko. Drink more water lng talaga. No to softdrinks, coffee and juices. Mawawala din yan 😊

5y ago

Sis salamat sa payo. Kakayanin ko, talagang nanlalambot ako kasi.

Ganyan din po nararamdaman ko ngayon sinisikmura tapos walang gana kumain tapos nangangasim pero nong 1st baby ko hndi ko nman sya naranasan ngayon lng sa 2nd baby ko πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

5y ago

Di ka din mapakali sis? :(

Same experience :( 9 weeks preggy din po. Minsan nga feeling ko may nangyayari ng di maganda sa baby ko. Pero sana it's a part of the process lang. Malalagpasan din natin tong stage na to hehe

5y ago

Sis ngwoworry din ako nung 9weeks ako, pero nung naka ultrasound ako nung isang araw narinig ko heartbeat nya. Ang saya, nakakaluha. πŸ₯°

Ganyan din po ako nun.. Gutom na pero walang ganang kumaen.. Try mo po mga biscuits po.. Every 2to3hrs po. Onti onti lang kaen. Wag ka po pakabusog para hndi mo ilabas lahat ng kinaen mo...

5y ago

Welcome po😊

Crackers lng po and more water. Tpos wag kumain ng malaki and spicy and maasim. Drink k po pineapple juice. And bgo uminom water after ng meal plipasin mo muna mag 20 to 30 mins.😊

5y ago

Not allowed po pinapple juice at papaya early trimester..

Mommy, same tayo. 8 weeks rin ako at first time. Kain ka skyflakes pag nangangasim tyan mo. Huwag din po pakabusog masyado, instead of like 3x ka po kakain, hatiin mo in 5x..

Same here! Naiiyak pa nga ako dati dahil masakit nga yan sa tiyan tapos sobrang hirap kumain kaya bumaba yung timbang ko. Kumakain na lang ako ng sky flakes tapos gatas.