Depression while pregnant

Mga mommy. Pano nyo po nalalabanan ung depression while preggy. Hirap na hirap napo kasi ako. Minsan naiisip ko na gusto ko nalang magpakamatay. Kabuwanan ko na po at super stress ako sa lip ko. Feeling ko ako lang din mag isa at wala man lang kamag anak ko nakikicheck sakin. Pagod na pagod nako mga mie.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako nga minsan na sstress dahil sa gastos yung sahod ng hubby ko pinagkakasya namin at naghuhulog kami sa alkansya para makaipon para pag nanganak ako andito kami sa side ng papa ko my work papa ko pero ang gastos tuwing 15days kami nagastos 15days papa ko naman minsan na sstress ako sa sinasabi ng papa ko kasi parang kami pa yung na ppreassure sa gastusin sa bahay at pag naubos na yung pera na hawak namin yung papa ko my ganang magalit tapos sasabihin pa nya na kesyo bumalik na kami sa pinang galingan namin or umuwi na kami sa bahay namin ng hubby ko eh una sa lahat yung papa ko ang nagpauwi samin dito sa bahay nya kasi nakiusap sya na bantayan at tulungan sya sa pag ano sa kapatid ko na dalawa dahil nag aaral tapos kami pa ang na ppreassure kaya minsan parang gusto ko na lang eh umalis na kami ng hubby ko kaysa ganto na kami pa ang na aano kami na nga dn ang nauubusan ng pera ultimo si hubby ko nag sasalita na sakin na dito lang kami sa sidr ng papa ko parang namumulubi nung andun kami sa sarili namin bahay yung sinasahod ng asawa ko my natitira pa samin at napagkakasya namin tapos dito sa side ng papa ko jusko tapos tuwing nasahod pa nga asawa ko nag aabot pa kami sa papa ko bukod pa yung binibili namin na bigas at mga grocery at pamamalengke hays tapos pag naabos na yung pera na sinahod ng asawa ko yung tatay ko pa my ganong mag reklamo imbis na kami ang nagsasalita sknya 5900 sinasahod ng asawa ko sa isang kinsenas my hinuhulugan kaming cp 1400 sa papa ko minsan 500 to 1k hinihinge nya at hinuhulog namin sa alkansya 1k at minsan nagbibigay pa kami sa nanay ng asawa ko ng 500 at nag ggrocery kami ng sarili namin pgkain at mga delata at noodles namin lahat at nabili kami bigas at minsan namamalengke kami nakakainis lang kasi kami pa yung na ppreassure at namumulubi tapos papa ko pa my ganong magalit pag naubos yung sahod ng asawa ko hays

Magbasa pa

may depression din po ako. seek ka po medical professionals like psychiatrist pra magkaron ka ng therapy sessions, may mga iba naghiheal dun. o kea you forgive the one that caused your depression. 😉may nagpayo rin sa akin eat healthy foods mostly veggies pra di dumami yung bacteria na nagcauae ng chemical imbalance sa brain. pag nasasaktan manuod ng comedies like Mr. bean. pag may suicidal thoughts, actually deliverance from God need Jan kasi di talaga siya kaya will power from person to fight yung ganun. tapos magpahinga ka, matulog ka, kumain ka ng maayos, magrelax ka. the more na natatakot ang brain, the more na may negative thoughts. hope this helps. hoping to have a friend like you :) I'm also pregnant btw.

Magbasa pa

both tayo nang situation. sobrang sakit na parang wala kaman lang pamilya nagmamahal sayo. kahit partner mo walang pakialam sa nararamdaman mo. yung sarili mo lang ang kasama mo. pero kahit papano kinakaya ko parin para sa baby ko. kahit sobrang hirap mag isa kahit gusto ko na din taposin buhay ko pero dahil sa dinadala ko saggol sa sinanapunan ko lumalakas parin kalooban ko upang lumaban sa depression. kaya natin ito mommy isipin nalng natin na yung baby sa tummy natin. saka pananalig nalang sa diyos ang gagawin natin upang lumakas kalooban natin. god bless you mommy 🙏♥️

Magbasa pa

lagi ka magpray mami...tas kanta ka...magyoga...mag meditate...nararanasan ko din yan...sobrang stress ko din sa asawa ko...pero lately narealize ko kawawa si baby ko...mag isa ko lang din...kasi nagwowork ako sa ibang province..malayo sa family at sa asawa ko...pag nararamdaman ko yung sobrang lungkot..nagprapray ako..kumakanta ng worship songs or ng mga songs na paborito ko...pag gustong gusto ko umiyak pumupunta akong simbahan...iniiiyak ko lahat kay Lord tapos yun okay na ulit ako...kinkausap ko din si baby lagi...be strong mhie para kay baby💪🏽💪🏽💪🏽💪🏽💪🏽

Magbasa pa

hi mommy wag mo isipin yan marami way para ka malibang.manood ka ng tiktok,magbasa basq ka dito maki comment ka pag gusto mo ung topic.isipin mo andito kami katulad mo na excited na makita ang magiging mgq baby natin.mag pray ka rin po and think possitive always makikita mo mqsarap mabuhay maganda ang buhay😘.ganyan din ako minsan lalo na pag dumarating dito ung tao.kinaiinisan ko or nagpapa stres s buhay ko.iniisip ko lang para kay baby kailangan.ko ngumiti para ok cya.pag labas nalang kako nya mamasyal or aalis kami hahaa.pray ka lagi mommy

Magbasa pa

hello momshie. ganyan po talaga pag buntis. hindi po kasi stable ang hormones natin kaya po minsan more on overthink tayo tapus emotional pa. pinaka bestway po pra malabanan nyo po yan is pray po. sabihin nyo po kay GOD lahat2 ng sama ng loob mo pagkatapus po nyan gagaan po ang pakiramdam nyo. mas ok din po na labas2 po kayo minsan, makipag kwentuhan ka po sa kapitbahay pra hindi lang sa lip nyo po nka focus lahat ng attention nyo. Once makalabas na si baby sobrang worth it po. Pakatatag momsh. Kaya natin to. 🙏🏻🙏🏻😘😘

Magbasa pa

Hi mommy! Kabuwanan mo na and konting araw nlang makikita mo na si baby 😍 dapat excited ka na. Kung yung LIP mo ang dahilan ng depression mo, uwi ka muna sa inyo mami. Wag lang sya maging sanhi ng di kayo okay ni baby. Wag ka pakastress masyado, apektado si baby. Isipin mo nlang, sobrang blessed ka dahil may darating na anghel sayo para pasayahin at buuin ang buhay mo 💕

Magbasa pa

hi momshie,alagaan mo po sarili mo minsan ganun po talaga ako nga eh wala din nagungumusta sakin sa family both side pero hanggat andito sa tabi ko hubby ko okay lang kasi baka busy lang sila kasi hirap buhay ngayon kailangan kumayod keep it up momshie at stay healthy and strong . pray ka lang lagi andyan si god para sayo at sa baby mo.

Magbasa pa

Goodmorning mommy 😊 Alam mo ba gano kaexcited si baby mo na makasama ka? nako super excited na yan. At konti nalang makakasama mo na sya 🥰 Pray po tayo lagi na healthy kayo ni baby. Si Lord lagi sya nanjan para sa inyo ni baby at di kayo pababayaan 😊

Hi mumsh malungkot din ang pregnancy journey ko non dahil sa mga circumstances kasama na din ang partner ko non pero never ko naisip na magpakamatay. Eto ako ngayon gumagaan na ang pakiramdam after nanganak. I advise na umuwi ka sa inyo or kung kanino ka malapit. And always pray po

Related Articles