Ayaw dumede ni baby sa bote
Mga mommy, paano ko po ba mapapapayag si baby dumede sa bote? Sakin po kase sya dumedede. Lahat napo ng brand ng bote natry kona pero ayaw parin nya :( Kahit ilagay ang breastmilk sa bote ayaw parin nya dedein. 4months po si baby ko. #advicepls #1stimemom
sa panganay ko sis nahirapan din ako noon kung panu xa mapapadede sa bote kc working mom ako. ang advice saakin parang gutomin ang baby para mapilitan xang dumede sa bote . effective naman po un.. tinanungq ang pedia if mkakasama un sa baby na gugutumin.. sabi nya d naman daw. usually un daw tlga gngwa para mapilitan ang baby na mgbote
Magbasa paTry niyo po dayain si baby. Ipadede mo po muna sa breast niyo then tanggalin niyo po tapos ipasok niyo po yung tsupon ng bote. Pwede din po na iba yung mag offer kay baby ng bottle. Unti untiin mo lang mommy hanggang masanay po siya. Tapos if di mo pa po nattry, try mo po yung pigeon bottle bottles ☺️
Magbasa paHello everyone. Ngayon lang ulit ako nakapag open ng app nato hehe. Thankyou sa mga suggested nyo. Mag 8 months napo si baby until now sakin napo talaga sya nadede. 🥰 huminto napo ako sa work para matutukan si baby at mapabreastfed na din 🥰
Hi. May work ba kayo or any reason bakit gusto nyo mag bote si baby? Mas okay kasi kung direct latch. Bonding nyo na kasi yun ni baby. Kung wala naman kayo other things to do better direct latch. Mas okay yon.
hi sis. kamusta? napadede nyo na po si baby nyo ngayon? paano po ginawa ninyo? same case po kasi tayo. turning 3 months po si LO ko. thanks
Huhuhuhu nakaka stress kasi mixx feed naman sya ngaun ayaw na sya dumede sa bote gusto nya saakin na ayaw na nya ako pakawalan
baka yunq niple po ayaw niya yunq baby ko din ayaw mag dede sa bote mix sana namin siya
yunq baby ko ang dami na namin nabili na niple pero ayaw parin niya mag dede sa bote...
May nabasa po ako, yung iba nagttry ng feeding cup instead of bottle
Try pigeon soft touch po mi or kaya ung pigeon flexi.
try nyo po iba ang magoffer ng bottle kay baby.