Pangontra sa Aswang??

Hello mga mommy. Naniniwala po ba kayo sa aswang? Kung oo, ano po kayang mabisang pangontra para sa aswang? Honestly, di po talaga ako naniniwala sa aswang dahil nadin sa religion namin wala kaming paniniwalang may ganon. Pero simula nung bumalik kami sa bahay ng parents ko, madalas pag sapit ng madaling araw umaalulong yung mga aso at nag aamoy patay na daga yung paligid namin. Dahil malapit kami sa bintana. Tapos yung bahay ng parents ko ay napapaligiran ng madaming puno dahil taniman yung likod ng bahay namin. Sabi ng tita ko maghagis daw ako ng asin sa paligid ng bahay namin at mag sabit daw ako ng bawang. Pero ganon padin po eh. Palagi pa ding umaalulong yung mga aso at minsan parang hingal na hingal sila. Madalas din po na may namamato ng bubong namin sa madaling araw.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Hindi rin ako naniniwala sa aswang. Sa Religion namin na Islam, ang pinaniniwalaan namin ay Jinn or pinakamalapit na kahulugan sa filipino siguro maligno. Sa paniniwala namin kapag umalulong ang aso ibig sabihin nakakita ng Jinn, kaya may dasal kami sa Allah para protektahan kami laban sa Jinn. Yung mga pagtatapon ng asin or pagsasabit ng bawang, hindi namin ginagawa kasi mawawala yung pananampalataya namin sa Allah, dahil si Allah lang nakakatulong samin, hindi asin at bawang. Hindi siya tools para maitaboy ang mga maligno, ang tool ay dasal. Sa kwarto namin sa uluhan bintana tapos sa balkonahe naman may sliding door. Pero ganon pa man hindi ako nakakaramdam ng kung ano-ano. Nalabas pa ako sa gabi mag-isa minsan madaling araw pa. At sa paniniwala namin, kung hindi ka takot sa Jinn, at lagi kang nagdarasal, Jinn na ang matatakot sayo, dahil hindi niya alam paano ka sasaktan at may panlaban ka pang mga dasal.

Magbasa pa
2y ago

Tungkol naman sa pamamato sa bubong niyo. Feeling ko ibon yun. Dito kasi samin samot saring ibon ang meron, maya, humming bird, willie wagtail, asian glossy starling, pigeon, dove at eagle. Laging parang may bumabato sa bubong dahil yung mga ibon nagdadala ng mga seeds ang kung ano-ano sa bubong. Yun ang idea ko base kn experience.