12 Replies

Nung mga 7 weeks to 10 weeks ako lagi din ako nananaginip na nakukunan ako. Naiiyak talaga ako paggising sobrang worried ako since may history ako na nakunan ako last year. Minsan natutulala lang ako paggising kasi parang totoo yung panaginip ko. Pero sabi nila kabaliktaran naman daw ng panaginip yung talagang mangyayari. Now 28 weeks and 1 day nako. Napakalikot na ni bb 😊 pray lang po tsaka kauspin niyo lang po si baby. Ako kinakausap ko lagi si bb ko na kapit lang siya palagi sakin kasi magkikita pa kami soon ♥️ pray and wag nalang po mag isip ng kung ano ano palagi baka magdulot pa ng stress sa inyo. Think positive lang po tayo palagi 🙏♥️

same po sakin nung nasa second trimester na ata ako, twice nangyari, grabe iniyak ko nun. pero sabi normal daw kapag super ka daw mag isip sa pagbubuntis mo. since nung nalaman kong ganun, naging positive na lang ako sa pregnancy journey kl, first baby ko rin kaya sguro grabe yung takot ko lalo nung first trimester ko eh dinugo ako. kaya wag na lang po sguro tayo masyado magisp isip, be positive po tayo na makakaraos tayo ng maayos 😊 pray rin po talaga na magiging okay lahat.

Same here ilang beses na siguro ako nanaginip na nakunan ako. 11weeks preggy ako ngayon, and sobra kong nagaalala talaga kase 7weeks pregnant nilagnat ako and nagpositive ako antigen. Kaya ngayon everyday worried talaga ako kay baby.

Worried lang ako kasi ang weird talaga ng panaginip ko. Pahinga ka lang mommy lalo daw pag first trimester laging pagod tas nilalgnat

TapFluencer

ako namn dati nanaginip akong buntis tas pagkaumaga nakunan ako🥺pero now 9 weeks na akong preggy pero nag aalala ako kasi sumasakit na naman tong puson ko haysst nakakatakot na😭

Baliktad po ang panaginip. Hindi talaga maiwasan ng mommy na magaalala kaya gang sa panaginip nadadala natin. Pray lang po mommy.. At kausapin mo lang lagi si baby..

Mommy, panaginip lang yan. Baka masyado mong iniisip ang mga worries ng panganganak. 😊 Relax ka mommy, and iwas stress. 😊

same po 10 weeks preggy here nanaginip din ako ngayon lang ng nakunan daw ako ..huhuhu nag aalaka tuloy ako sa pagbubuntis ko

Ilang weeks na po kayo? Subconscious lamg po yon. Masyado lang po sguro kayo concern sa pinagbubuntis nyo

10 weeks po at first baby ko po ito

VIP Member

rebuke it. PRAY. and stay cautious with all you do.

dont stress yourself sis, walang ibig sabihin un

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles