20 Replies
Mamsh alam mo po ba yung leave and cleave na saying? May asawa ka po, kailangan nyo bumukod sa magulang nyo. Hindi naman yon pagiging makasarili o pagpapabaya sa magulang pero once kasi na may pamilya ka ng binuo, yun na dapat ang priority. Sa situation nyo po kasi, parang ambigat ng shinoshoulder nyo. Pwede naman na bumukod kayo at mag abot nalang sa parents mo kung anong kaya nyo, kesa gumastos ng sobra sa kaya nyo. Pwede naman mag visit visit kayo kung si mamimiss ni lola si baby. Kame ng bf ko, nakabukod kame eversince, di kame kasal, pero pagiging praktikal yon at the same time pagiging responsible. Nag aabot padin kame sa mga parents namen pero yung kaya nalang namen kasi magkakababy na kame at yun na dapat ang ipriority. Magtipid hanggang may ititipid.
Para saken momsh, bumukod na kayo. Ako 24weeks and 1day preggy ako, pero nandito kami ng hubby ko sa bahay ng parents ko. Kasi Im teen age mom po and FTM, pero gusto nako ibukod ng hubby ko talaga. Kasi kung di kayo bubukod ganyan nalang ba kayo forever? After ko manganak bubukod na kami, kasi yun ang napagkasunduan dito sa bahay nmin. Although dito kami nakatira pero di naman kami nakaasa ng hubby ko sa parents ko, dahil lahat nmn ng needs ko nabibigay nya. ☺️ Sa una mahirap bumukod talaga, adjustment kailanga plus pupundar pa kayo. Pero syempre at the end of the day, need nyo yan para matuto kayo lalo kana kung pano mag budget at need talaga focus kay baby. ❤️
Sis., bumukod na po kayo. Remember hindi ka nag asawa para mag stay lang dn sa family mo. Isipin mo din mararamdaman ng asawa mo. Jan madalas mag ka conflict sa relasyon. Walang masama kng hindi ka makapag hanap ng trabaho sa ngyon kasi inaalagaan mo pa anak mo. Yan ang reality. At hindi din natin responsibility ang parents natin. Ok lang mag abot paonti onti pero not necessarily kasi my sarili ka ng pamilya. Yan ang kinalakihan ko ni minsan hindi ako inubliga ng magulang ko or ng kapatid ko para mabuhay lang sila kahit na nag bbgay ako never nila tinangap yung bnbgy ko. Kaya ikaw sis bumukod na kayo
At some point sa pagaasawa need po talaga na bumukod. Mas healthy kasi yun sa relasion niyong magasawa at sa family mo din. Maganda sana na kahit bukod na kayo, mabigyan mo nalang allowance parents mo para sigurado ka na may money sila for their needs. But be mindful na magastos ang pagbukod especially kapag mag rerent kayo at nasa Manila din kayo. Like us, 9k bahay, 8k ang grocery at palengke plus utilities. Depende din sa lifestyle ninyong mag asawa.
Ang sabi nga pag may family na, dapat naka bukod na. Madalas kasi yan pinag mumulan ng misunderstandings hanggang sa maging away. Bumukod na kayo much better para tahimik lahat. Kung mag wwork ka, pwede mo naman siguro paalaga pa rin si baby kay mama mo. Atleast yun mkakapag abot ka kasi 2 na kayo ni hubby na working. For now since si hubby lang nag wwork, wag mong pilitin na mkapag abot kung tlgang walang sobra. Maiintindhan naman nila yun.
Ang engot ng nag post neto. Swear. 10k ampota. Less than 10k mamsh, meron na matino na marerentahan with kuryente and tubig. Naisip mo ba na pag nagbukod kayo, yug kuryente nito nasa 500-1k lang compared sa kuryente niyo na 2k ambag niyo? Pineperahan lang kayo diyan sa bahay niyo baliw. Tas 6k para sa dinner niyo isang buwan? 😂😂😂😂 Try mo bumukod, makakaipon pa kayo
Ganon talaga kasi pag di nakabukod! Minsan magbibigay ka nalng dahil sa pakikisama yun lang yon! Wag kana mag compute, di naman sila interesado sayo🤣 Gets mo na? 🤣
I think na need nyo na bumukod. Mejo unfair nga nman sa ate mo na nag lalabas sya ng 10k, tapos single sya (tama ba?) At least kung bumukod kau matutu kau mag budget para sa family nyo. Macontrol nyo din ang gastusin. Sa simula mahirap pa kc mag pupundar pa talaga kau. Pero kung iisipin mo, my family ka na eh. Dapat lang mag focus ka na sa family mo.
My husband is an only son, so I we have decided na magstay muna sa parents niya, wala naman kasi kaming problema when it comes to his or my parents. Sa akin lang sis, if naglalabas ka na ng ganiyang kalaking pera better yet bumukod ka na. :-) At least, solo niyo ang house and hindi ka didiktahan ng ate mo. Kahit ate mo 'yan, pera parin 'yan eh.
Walang mali sa pagpapadagdag niya ng ambag sa inyo kasi isipin mo nalang pag nagbukod kayo magbabayad kayo ng sarili niyong bahay kuryente tubig. Pati everyday na pagkain. Pero kung 10k naman pala halos nacocontribute niyo I think kaya niyo naman magbukod. Magtrabaho ka nalang teh para makatulong ka rin sa pagpprovide ng pangangailangan niyo.
much better po na bumukod kayo, kasi pag nakabukod kayo may privacy po kayo tsaka malay mo po makaipon kpa para maibigay sa parents mo, di nman kalawahiyaan ang pagbubukod, mas mapapalayo pa kamo kayo sa gulo kpag nakabukod na kayo kesa sa sama sama.
Zalyn Diaz