EDD based on LMP
Hello mga mommy, isang gabi na naman na di ako dinadalaw ng antok hahaha kayo rin po ba? So ayun nga po since di ako inaantok at napili ni baby na maglumikot ngayon naglibang nalang ako sa panonood ng yt videos about giving birth para mahanda ko na yung sarili ko. May napanood akong vid about Naegele's Rule (yung pagcompute ng edd base sa first day of LMP. So dahil di ako inaantok, I checked. Accdg sa rule july 2 ang edd ko bale lalabas na 36 weeks and 3 days na ko ngayon, compared sa alam ko na 34 weeks and 6 days. So I double checked dito sa app tsaka sa flo tracker, and pare parehas na july 2 ang lumabas. Kaso ang sabi sakin ng OB ko based sa LMP ko eh July 12 ang edd ko sinabi ko naman na September 25 2022 ang first day of last mens ko. Pahelp naman po, baka epekto lang to ng ilang gabing di makatulog. Ano po kaya ang tamang edd ko? Alam ko naman po na hindi laging lumalabas si baby sa edd, curious lang po hehehe thank you.