Mag stop na sa bf or hindi?

Mga mommy gusto ko po malaman yung opinion nyo 😁 Bakit po ninyong inistop ang pag bebreastfeed kay baby? Except po sa mag wowork. Gusto ko po sana e stop si baby kasi madali lng akong mairita sakanya lalo na't iyakin sya pag di nabigay yung gusto nya 🥺 tas nakakapagod ksi ako lng yung nag aalaga sa baby ko. Baka ksi madali lng ako magalit dahil palaging pagod at kulang sa tulog. Pakisagot mga mommy bkit nyo inistop #firsttimemom #adviceplease # #

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nag stop ako at around 2months lang okay pang mamsh take care of your mental health sakin ganun din iyak ako ng iyak kasi di ko mabigay yung madaming milk sa baby ko at ayaw niya mag formula if mauna ang BF tapos super kulang na kulang yung BM ko so we (me and my LIP) decided na stop BF na pure formula na at itake care ko yung self ko kasi nahalata niya na nasa depression stage na ako. So mamsh walang problema if mag formula si baby mo. Si baby ko never pa nagka sakit kahit ubo or sipon almost 7 months na siya pure formula siya at proud ako nyan kasi I can see ang progress ni baby ko at hit niya ang milestones niya ahead of everyone else. Take care of yourself mamsh, you first tapos si baby kasi pano mo mabibigay ang needs ni baby mo if hindi ka healthy physical at emotionally. So go formula mamsh wag ka makinig sa mga tao na BF/BM ang best sa baby mo kasi ang best sa baby mo is ikaw na healthy at of course feed your baby. Formula or BM it doesn't matter.

Magbasa pa
2y ago

Similac Tummy Care fave ni baby before nag Similac Gold at Nan din siya pero mas malakas siya sa Tummy Care 😘 YES feed is best kay baby. We moms especially like me new mom na workaholic/ working mom I need special care din I know we need to attend to our childs need everyday but we have to be sane as possible. BF is not for everyone, as long as you can provide sa mga needs ni baby mo go for it wala dapat ikahiya, kaya ako formula is best for me and my baby, super healthy siya again never pa nagka sipon or kahit ano at 7months and me as a mom is always happy and productive sa work at sa pag alaga kay baby 😍

around 3 yo na si lo ko nung nagstop sya mag bf. same situation, ako lang mag isa nag aalaga sa baby ko dahil nasa ibang bansa ang asawa ko. ako lahat, alaga ng bata at gawaing bahay tapos sabay p ng pag aaral dhil nagmamasters pa ko. pero malaki natipid nmin dahil sa pag bbf ko at di tulad ng ibang parents na nagtitimpla pa ng gatas sa gabi, ako hndi. pag gutom sya, pasak nlang ng dibdib skanya. hehe. bawas gawain din ung hndi ko na need maghugas pa ng bote ng gatas at tsupon tapos iisterilize pa. think about the positives n nakukuha mo sa pagbbf. ung anak ko, 4yo n now, hndi sakitin at matalino. normal lang na mainis tayo sa kakaiyak ng bata minsan dahil sa pagod at stress bastat importante, wag natin silang pababayaan at sasaktan. kaya mo yan, pag laki ng anak mo, magbabago din ugali nyan. 😊

Magbasa pa

My baby is 2months and 18 days. Muntik na ako sumuko sa breastfeeding 2 weeks old pa lang sya paano ang sakit na nga sa nipple iyakin pa ng sobra.. ayaw sakin mas gusto sa ibang tao juskopo. Hahah. Pero tiniis ko kasi may healthy ang breastmilk and libre pa! dumating din sa time na naiinis ako kasi ang sakit sumipsip ng baby ko. Pero bear in mind momshie na giginhawa ka din. Dati ang tulog ko kay baby eh 30mins lang sa loob ng 24hours juskopo. Pero nung 1month and a half na sya doon sha medyo bumait bait na. Tiis ka lang hanggat kaya mo momshie. If it affects you na talaga and you can no longer tolerate it, consult ka na sa doctor mo.

Magbasa pa

nag stop ako sa pnganay ko dahil umayaw na sya. nagstop ako sa 2nd ko kase namatay na sya. mabilis din ako mairita at minsan nga napapalo ko sila para madisiplina. katwiran ko mahihirapan sila pag lumaking spoild brats pero now na matanda na ko, I realized ibibigay ko ang lahat ng gatas na mapoproduce ko as long as kasama ko sila at ako ang hahanapin nila sa bawat oras na bata pa wag ka po tumigil sa ganyang dahilan. trust me when I say mas magiging aburido at magagalitin ka kung titigil ka bigla. isipin mo lilipas din yan

Magbasa pa
2y ago

u fight ur mind. hindi habang buhay ka hirap. panahon lang yan. lilipas at magbabago din kaya enjoyn mo

VIP Member

nag stop po ako na ibreastfeed yung bunso ko dahil nabuntis ako 😅 19mos. ang bebe gerl ko that time .. pure breastmilk sya , kahit nasa work pumping momma ako 😆 nahirapan sya mag adjust walang ibang gustong dedein .. choco flavor ang dinedede nya ngayon .. lagi pa din sya amazed sa dodobels ko .. hahaha pampatulog pa din nya nakahawak sakin, manganganak na ulit ako next month and i think magbabalik loob pa sya sa pagdede sakin 😅

Magbasa pa

Ako po pagod at puyat single working mom and ebf. How many times na po ako nag isip na mag stop or e mixed sya kasi same po pagod at naiinis ako sa baby ko pag iyak pa din tapos maririnig mo pa ibang tao sasabihin kaai d ko raw na satisfy si baby. Pero sa isip ko hanggat kaya ko pa at my gatas ako push ko ebf.. Kaya be patient po mii. Pra ky baby.

Magbasa pa
2y ago

thank you mi laban 🥺🙏

nag stop ako nung 2 yrs and 5 months old sya kasi ayaw na niyang kumain gusto niya laging mag dodo sakin. minsan naiirita ako. at nagyon 3 yrs old na sya at going 4 yrs old mas naiirita ako kasi gusto niya nmn lagi mka hawak sa nipples ko 🤣🤣

VIP Member

Hello. Nagstop ako kasi 2 yrs old na siya. Natatakot na ako sa mga ngipin niya, 1 time kasi nang-gigil siya kinagat niya ng matindi nipple ko 😅 na-traumatized ang lola mo 🤣 Just want to understand, ano po iniiyakan niya?

2y ago

Hindi ka kinakampihan ng husband mo? Dapat siya mag explain sa family niya na hayaan ka/kayo kung paano niyo aalagaan anak niyo. Ganyan din inlaws ko 😅 pakialamera. Pero buti same page kami ng Husband ko. Dati matsaga ako mag-explain kaso di nakikinig talaga, kaya ayun husband ko na nage-explain sa family niya. Siya na nai-stress haha.

nagstop aq sa panganay q 4 year old sya hopefully sa pangalawa q makaya q din 1 mos and 15 days sya ngaun .. nakakapagod mga mommy pero kakayanin ... aq lng mag isa sa bahay meron din aq sari sari store but kinakaya nmn ... fighting momshies

tiyaga po kase ang kelangan ako exclusive bf sa baby ko since day one

Related Articles