Palabas lang ng sama ng loob about sa biyenan

Mga mommy gusto ko lang mag share ng hinanakit ko kasi ngayon buntis ako ulit tapos yung panganay kong anak mag 2 palang tapos hiniram nila baby ko, e nagka ubo dito saamin dahil sa init ng panahon tapos di mahilig kumain ng kanin puro biscuit at gatas lang kahit pilitin ko ayaw parin, and then biglang sabi sakanila na daw muna anak ko habang mainit ang panahon at papatabain rin daw muna nila dahil ang gaan na daw baka daw hindi ko naaalagaan. E takte tagal pa matapos ng summer tapos sabi pa pag nainip nalang daw ako saka dadalhin ulit sakin like wtf? parang mga hindi naging magulang🙄Edi ako naramdaman ko at nasabi ko nalang sa utak ko na "takte sino ba may gustong magka ubo ang anak at sino bang nanay na di aalagaan yung anak?" napaka tino ko naman di ako nalabas or kahit tumambay sa labas ng bahay namin hindi ko ginagawa. Grabe lang kasi buntis na nga ako tapos ganun pa, tapos di ba nila iniisip na mag isa lang ako dito sa bahay? wala na nga asawa ko nasa malayo tapos kukunin pa nila sakin anak ko? ano akala nila masaya ako pag wala anak ko? takte di lang ako makasagot e kasi ginagalang ko parin sila, pero deep inside sobrang nakakadurog ng puso, alam ko naman na unang apo nila anak ko pero sana di naman nila yung parang aagawin na sakin takte nanay ako lolo at lola lang sila😥💔

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Alam ko naglalabas ka lang ng sama ng loob pero ito masasabi ko. Regardless sa weather sakitin talaga ang mga toddlers. Nababawasan lang pagiging sakitin habang lumalaki. Sa food naman po, please refrain from offering biscuits, bigyan mo po ng fruits as snacks at kung ano po food niyo yun po ipakain niyo sa panganay niyo, toddler serving sizes lang para safe from choking etc. Wag niyo rin po pilitin na to the point mai-stress na kayo, the best way to help your child eat is to eat with them and offer without pressure, at kung kaya gawin masaya ang hapagkainan. Tsaka share ko lang din advice ng Pedia ng anak ko sakin, is Pinggang Pinoy, dapat yung meal niya may Go, Grow and Glow foods. Go/Carbs-rice/tinapay/oats, meat/cheese/milk for protein/Grow, and veggies or fruits ang glow foods. Then vitamins naman na prescribed ng Pedia namin para gumana kumain is AM-Propan Syrup at PM-Polynerv. Ask mo Pedia niyo if may maprescribe siya. Kung wala naman pong concerns or sinasabi si Pedia sainyo about sa weight or food intake ng baby niyo at yung mga sinasabi ng inlaws niyo ay opinion lang nila sa kung paano nila nakikita ang bata, mas mabuti pang wag mo nang damdamin at isipin pa. Gets ko kung bakit sumama ang loob mo, esp sa part na sinabi nila na “kapag nainip ka saka dadalhin sayo.” Kasi parang namamaliit ang pagiging ina mo sa anak mo, na para bang higit ang karapatan nila sa anak mo kesa sayo na ina. Hindi ka kasi binigyan ng karapatan para mag decision para sa anak mo, sila na lang ang bastang nag decision na para bang alam nila kung ano ang mas ikabubuti ng anak mo. Tayong mga ina may pagka-possessive talaga tayo sa mga anak natin lalo kung maliliit, bata or baby pa, kaya valid ang nararamdaman mo. Mahirap magkimkim at magtimpi kasi sooner or later sasabog ka na lang bigla. Kaya maiging sabihan mo ang husband mo about dito, na kung gusto talaga nilang alagaan ang anak mo, at makatulong sayo, sila ang dumayo sainyo, hindi yung kukunin nila ang bata sayo. Yun lang, hope makahelp.

Magbasa pa