Pa vent out lang mommyyy
Mommy, ang lip ko po laging bahay at trabaho lang. Pag dumating sa bahay (late night na siya makakauwi) cp agad, tas kain. Tapos tulog na. Pag gising, babangon, magready sa work, kain tapos alis na. May 2 yrs old po kaming anak tapos mag 8 mos preggy ako. Di makatulong sa akin sa pag aalaga ni baby tapos gawain sa bahay. Tapos magagalit pa kapag naiisturbo siya ng anak kapag tulong siya. Then kung mag day off siya mommy, ganun pa rin, tulog, kain tapos cp. Pero siya na maglalaba sa uniform niya. Ewan parang gusto ko na mag give up. Hindi makabantay sa anak niya tapos di pa ako tinutulungan kaya ang ending yung anak niya di close sa kanya, di lumalapit sa kanya. Tapod kapag gagala siya, ako pa rin sa bata. Hahawak sa kamay, mamimili ng damit, ako pa ang titingin sa bata. Siya parang wala lang. Ewan ba. Ang sarap iwanan. Wala naman ako problema sa sweldo niya kasi nasa akin lahat sweldo niya tapos 13th month pay. Wala akong problema dun. Kaya minsan iniisip ko, hayaan ko nalang siya basta kami ng anak niya, busog. Di nagugutom. Pero ang sarap pa rin patayin. Hahahahaha. Idk what to do. Nakakapagod rin minsan eh. Pls suggest kung ano po dapat gawin. Salamat po. Sorry kung medyo mahaba.