Palabas lang ng sama ng loob about sa biyenan

Mga mommy gusto ko lang mag share ng hinanakit ko kasi ngayon buntis ako ulit tapos yung panganay kong anak mag 2 palang tapos hiniram nila baby ko, e nagka ubo dito saamin dahil sa init ng panahon tapos di mahilig kumain ng kanin puro biscuit at gatas lang kahit pilitin ko ayaw parin, and then biglang sabi sakanila na daw muna anak ko habang mainit ang panahon at papatabain rin daw muna nila dahil ang gaan na daw baka daw hindi ko naaalagaan. E takte tagal pa matapos ng summer tapos sabi pa pag nainip nalang daw ako saka dadalhin ulit sakin like wtf? parang mga hindi naging magulang🙄Edi ako naramdaman ko at nasabi ko nalang sa utak ko na "takte sino ba may gustong magka ubo ang anak at sino bang nanay na di aalagaan yung anak?" napaka tino ko naman di ako nalabas or kahit tumambay sa labas ng bahay namin hindi ko ginagawa. Grabe lang kasi buntis na nga ako tapos ganun pa, tapos di ba nila iniisip na mag isa lang ako dito sa bahay? wala na nga asawa ko nasa malayo tapos kukunin pa nila sakin anak ko? ano akala nila masaya ako pag wala anak ko? takte di lang ako makasagot e kasi ginagalang ko parin sila, pero deep inside sobrang nakakadurog ng puso, alam ko naman na unang apo nila anak ko pero sana di naman nila yung parang aagawin na sakin takte nanay ako lolo at lola lang sila😥💔

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin naman po, pasalamat naman ako dahil may asawa ako na sinasabihan ko kapag may di ako nagustuhan or nasagasaan na ung pagiging magulang namin sa anak namin pero since na nakikitira kami sa parents nya, sinusunod ko naman pero kapag alam kong ok naman sundin. Pero kapag kukunin or isasama nila kung saan nila gusto, dinidirekta ko sila na hindi pwede, ok lang kako kung malapit lang at kasama kahit isa sa amin ng asawa ko. Kasi kung may mangyari man na hindi maganda sa anak, sa magulang parin ang sisi. Tsaka alam natin at panatag tayo kapag kasama natin sila palagi.

Magbasa pa