Palabas lang ng sama ng loob about sa biyenan

Mga mommy gusto ko lang mag share ng hinanakit ko kasi ngayon buntis ako ulit tapos yung panganay kong anak mag 2 palang tapos hiniram nila baby ko, e nagka ubo dito saamin dahil sa init ng panahon tapos di mahilig kumain ng kanin puro biscuit at gatas lang kahit pilitin ko ayaw parin, and then biglang sabi sakanila na daw muna anak ko habang mainit ang panahon at papatabain rin daw muna nila dahil ang gaan na daw baka daw hindi ko naaalagaan. E takte tagal pa matapos ng summer tapos sabi pa pag nainip nalang daw ako saka dadalhin ulit sakin like wtf? parang mga hindi naging magulang🙄Edi ako naramdaman ko at nasabi ko nalang sa utak ko na "takte sino ba may gustong magka ubo ang anak at sino bang nanay na di aalagaan yung anak?" napaka tino ko naman di ako nalabas or kahit tumambay sa labas ng bahay namin hindi ko ginagawa. Grabe lang kasi buntis na nga ako tapos ganun pa, tapos di ba nila iniisip na mag isa lang ako dito sa bahay? wala na nga asawa ko nasa malayo tapos kukunin pa nila sakin anak ko? ano akala nila masaya ako pag wala anak ko? takte di lang ako makasagot e kasi ginagalang ko parin sila, pero deep inside sobrang nakakadurog ng puso, alam ko naman na unang apo nila anak ko pero sana di naman nila yung parang aagawin na sakin takte nanay ako lolo at lola lang sila😥💔

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Valid po yong nararamdaman mo Mommy. Wag na lang pong masyadong pa-apekto sa nasabi ng inyong in-laws since di nyo naman po talaga pinapabayaan si first born. Minsan may mga tao po talagang ganun, ang bunton ng sisi ay laging sa ina which is di naman po dapat. Iwas stress po Mommy since preggy po kayo. Isipin nyo na lang po na chance nyo po ito para makapagpahinga habang nasa poder ni inlaws si toddler. Kumustahin nyo din po pa-minsan minsan tapos kapagka nawala na po ubo saka nyo po ihirit na ibalik na sainyo.

Magbasa pa
2y ago

Kakalungkot lang po kasi, lalo na ngayon emotional pa talaga ako. Nakakainis lang kasi kaya minsan pinapanalangin ko nalang na magka-anak na ibang anak nila para di na palagi yung anak ko kinukuha at nakikita🙄 Tapos mga paladesisyon pa kung kailan sakanila anak ko, di man lang maisip mararamdaman ko pag mag isa lang ako ngayong buntis pa ako, kahit isang tao sa bahay wala akong kasama tapos malayo pa bahay nila🤧