Tips Pls

Hi mga mommy, can u give me some tips po paano maget yung attention ni lo para makinig and maging interested every time that we're having a bedtime story, he's 1 year old po

Tips Pls
14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano po ba goal nyo bakit binasahan mo baby mo? Para matuto po ba? Part ng bedtime routine? Depende po kasi sa goal nyo. Ang sa akin kasi gusto ko lumaki si baby na mahilig sa books. 4 months pa lang siya ng mag-umpisa ako basahan siya ng libro. At dumating din sa stage na hindi din siya nakikinig at around 8 months pero kahit hind siya nakikinig nagbabasa pa rin ako. Nag mag 1 year old siya dyan na nagsisimula na siya na namimili na anong basahin ko at umuupo na siya sa lap ko. Hanggang ngayon na 16 months na siya ganun pa rin siya. Kaya nya makinig sa isang libro na kahit 6x times ipapabasa nya na straight (yes nakaka umay magbasa ng paulit2 pero wala akong choice). Ang ginagawa ko kasi hindi ko siya tinatanong ng ano to? O ano yan? Hindi ko siya iquiz kung baga. Unless tinuturo nya at yan sasabihin ko kung ano yang tinuturo nya. Kasi we want them to enjoy the book hindi natin ibibigay ang expression na basta book dapat matuto ka. Hindi ko din ini explain ang story. Kasi eventually kung paulit2 mo na binabasa makukuha na nila yan. Binabago ko ang voice ko depende sa libro din. Sa ganitong edad lalo na below 3 years old hindi sila dapat tinuturuan. They will learn through play. Ang baby ko ngayon pag grumpy siya or wala sa mood binabasahan ko lang ok na siya agad. Don’t forece the baby kung ayaw nya. At early exposure lang talaga. At pili po kayo ng libro na bagay sa edad nya. Yong mga libro ni baby ( 20+ hardbook) nabili ko lang sa booksale tapos rotation nalang unless kung paborito talaga nya. Bakit kasi ang mahal ng mga libro. Follow nyo din po ang litteracyforlittles sa instagram marami po kayo matutunan sa kanya.

Magbasa pa