Eating Habits

Hi mga mommy. Ask ko lang sana, normal ba sa buntis (I’m 9weeks & 6 days pregnant) ang walang ganang kumain? Inom lang ako ng annum (2x/day), kain ng biscuits at prutas (banana, apple or orange). Kung kakain naman ako ng kanin, dalawa o tatlong subo lang pero madalang lang. Minsan pinipilit ko nalang kumain din kapag naparami naman, bloated ang tiyan parang ang bigat sa pakiramdam. Normal lang po kaya? Thank you. ?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal lang po yun momsh . nasa stage kapa kasi ng paglilihi , ako din pp ganyan sa first trimester ko imbes tumaas yung timbang ko dahil buntis ako bumababa pa kasi wala akong ganang kumain lahat ng kainin ko naisusuka ko din agad . pero pag nagstart na yung 2nd trimester mo mawawala din yan agad . ngayon naman kailangan ko ng magdiet ngayon ko naman nararamdaman na mayat maya ako nagugutom hirap nama pigilin ng kain

Magbasa pa