βœ•

25 Replies

VIP Member

Kung may output po si baby ng ihi/pupu, means may nakukuha po sya sa inyo mommy. Nail tip level lang ng pinky finger nyo kailangan nila kasi maliit pa po bituka nyan. Not all the time gutom si baby pag umiiyak, crying is their means of communication. 9mos yan sa ating loob, nako-comfort and nami-meet agad ang needs nila kaya nag aadjust pa yan sa new environment nya.. Ako mommy, 4th day pa naging visible milk ko na tumutulo agad, sobrang overwhelmed ko kasi akala ko din wala. May iba umaabot ng 5 days. Tyaga lang talaga sa pagpapasuso lagi. Laway lang ni baby po kasi makapag stimulate ng gatas nyu po :)

Wag ka tititigil momsh sa unli latch..kahit feeling mo walang nadede si baby. meron yan pero konti pa lang..need lang ma stimulate kay malaking bahay ang unli latch..supply and demand lang. .. ung iba nga 1 wk pa magkaroon ng visible na gatas e. kaya wag mo sukuan kahit umiiyak si baby. Check mo proper latching nya Water intake mo mahalaga. Skin to skin kayo. Idapa mo sya sa dibdib mo. bare skin dapat. the best ay dapat may trust ka sa sarili mo..Isipin mong may gatas ka.

mommy wag po kayo mag panic.Itry nyo po irelax sarili nyo kasi the more magpanic kayo,naapektuhan ang paglabas ng bm nyo.Unli latch kay baby para mastimulate ang dede.Dehydrate always.Inom po kayo malunggay capsule,Lactaflow or any brand.Or drink milo or soup with malunggay and papaya.Baka naghahanap lang ng comfortable position si baby po ☺. Inhale/exhale mommy para maka relax, mag foflow na yang bm nyo po. Kaya nyo po yan mommy, go breastfeeding!

VIP Member

Unli malunggay unli kain unli latch (dapat proper latch) dont stress mamsh lalo nakakawala ng supply. If di pa sapat ang gatas mo mag formula na muna, basta bago padedein ng formula palatch mo muna sayo si baby tig kabilaan if di prn sapat saka mo iformula. Ganon gawa ko mamsh halos 1wk din akong walang supply kasi CS ako. Pero latch lang muna ng latch nagkagatas rin ako :)

Thank you mommy sa reply. naappreciate ko. β™₯️

Sabi nila, breastfed is best. Pero most pedia ang talagang sinasabi, fed is best. It would be better to supplement the baby with formula milk habang di pa talaga established ang milk nyo. Critical ang first week ni baby. Kung kulang ang supply ng milk, pwede mag cause ng infection at hypoglycemia( low blood sugar). Kung no response si pedia, hanap agad ng ibang pedia.

Good for you po na may milk kayo pero we have to understand na iba iba po ng sitwasyon ang mga nanay

Super Mum

Unli latch, skin to skin po kayo ni baby. If okay naman po diaper output ni baby okay po ang milk supply. ❀ pwede din po kYo mag malunggay capsules, kumain ng masabaw like tinola na may dahon ng malunggay, rest and iwas sa stress😊 good luck and happy latching! ❀

thank you mommy sa response. naappreciate ko. have a great day.

Warm water with cotton balls po imassage nyo breast nyo po simula sa taas ng breast hanggang pa baba sa nipple po tas inom ka o milo mainit na tubig po ilagay nyo pag iinom ng milo . tas kain ka po ng ulam na may mga malunggay po or tulya pandagdag gatas po

Super Mum

Ako po mommy nung nanganak po ako, inabot po ng almost 4 days bago tuluyan lumabas yung breastmilk ko. Ipa-unli latch nyo lang po si baby, massage your breast or warm compress then eat malunggay soup. Inom din po kayo ng madaming tubig.

TapFluencer

Unli latch lang po mommy. Ako 2 days walang gatas pero pinaglatch ko lang siya then kumain lang ako ng may sabaw at malunggay then naging sufficient na gatas ko. Wag ka po mastress mommy. Lalo kang hindi magkakagatas niyan.

Inom ka ng Milo sis prove and tested ko siya 😊 unli padede rin din.Sa mga susunod na araw dadami na supply ng milk mo.Kain ka rin lagi ng may sabaw like tinola tsaka sinabawan na halaan 😊.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles