Yung pusod ni Baby
Mga mommy ano ba mabisa panglinis sa pusod ni baby, one week na siya pero di pa din nalalaglag, huhu first time mom po kasi ako. Ganito po itsura ng pusod niya. Normal po ba ito o malapit na malaglag?


wag mong takpan Mii Ng diaper tapus wag din takpan Ng damit Yung manipis na short or pajama lang isuot at itakip mo Mii exposed mo sya sa medyo na hahanginan kaya need nya Ng manipis lang na damit naka takip sa kanya pra kahit papano nakaka pasok Ang hangin di sya ma kulob
basain nyo lang po lagi ng alcohol kada lilinisan nyo si baby, wag nyo pong tatakpan or iipitin sa diaper kase po may chance na malagyan ng ihi at matetano yung pusod nya. hayaan nyo lang po na naka expose sya. yung sa baby ko po 2 weeks bago tanggal ang pusod nya.
linisin lagi ng alcohol 70% wag mag alala di nasasaktan si baby nalalamigan lang. wag ibubuhos gumamit ng bulak . wag matakot sa iyak ng bata, mas matakot sa impection pag di nalinisan. dipo ba kyo tinuruan sa ospital?
70% Ethyl acohol lang po, bulak gamitin na pangpunas sa bawat gilid lang po ng pusod, nilalagyan ko rin siyang bigkis pero hindi ganun kasikip. natanggal naman po pagka 5 days, first time mom lang din po ako.
ganito sya pa 4 days Mii pa 5days Ng Gabi lalag na sya Ng kusa natakot nga Rin ako Nyan Mii Kasi nag ka ganyan pero di Naman nakaka worried ngayon magaling na sya Mii waiting mo Lang ma lag lag ma lalag lag din Yan

ethyl alcohol po,mabilis magpalaglag ng pusod. baby q po 10 days na nung new born d pa natanggal pusod niya,mali kasi alcohol ko pero nung sinabi ng hilot sakin na ethyl alcohol saflit lang tanggal agad
Di ko nililinis gamit ang bulak. bumili kami nang alcohol na nasa spray. Yun lang iniisprayhan ko lang ang pusod niya then ilang arae natanggalna siya my..Di ko talaga ginagalaw
wag mo po ipilit, kusa lng dn yan matatanggal po, ung sa 1st baby ko almost 2weeks bago natanggal. small amount lng po ng alcohol ilagay mo from time to time para matuyo po.
alcohol lang Mii pero sakin sa baby ko Kasi diko nilagyan hinayaan ko lang ma tuyo Wala akong inilagay na kahit ako SA KC Ng pediatrician nya
use mineral water po to clean sa palibot lang ng area gamit po kayo ng bulak basain ng mineral pigain then linisin sa palibot lang