Yung pusod ni Baby

Mga mommy ano ba mabisa panglinis sa pusod ni baby, one week na siya pero di pa din nalalaglag, huhu first time mom po kasi ako. Ganito po itsura ng pusod niya. Normal po ba ito o malapit na malaglag?

Yung pusod ni Baby
32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

70% Alcohol po dapat gamit mo mommy. Buy ka ng green cross isoprophyl alcohol un walang moisturizer para mas mabilis matuyo

sakin mii 4days palang natuyo na.. ngayon na 11 days na malapit na matanggal tuyo na xia. alcohol lang po pinanglilinis ko

Ftm here . Alcohol lang po gamit ko wala pang 2 weeks tanggal na agad pusod ni baby ko .

wag niyo pong tatakpan tapos alcohol lang po sa paligid mami. matatanggal din po yan.

Puro alcohol lng buhos mu mi wag mu gagalawin yan kusa rin matatanggal yan,

VIP Member

cool boiled water mi at bulak. Pag linisin paikot sa pusod isang beses tas tapon.

sa akin po 3 weeks bago naalis pusod ni baby. Tyaga lang po paglagay ng alcohol

pa limang araw pusod Ng baby ko na Ali's na mag 2 weeks na si baby ko sa Sunday

alcohol lng po yan saka medyo hangin ng konte un sa baby q eh 4days lng eh

green cross na alcohol ung green ang bote gamitin mo. matatangal agad yan