Pls Help.

Mga mommy ano ba dapat ko'ng gawin. Hirap na na hirap na ako sa baby ko 4 month's old, simula nung pinanganak ko sya sobrang iyakin nya. Nung newborn sya iyakin na talaga sya lalong lumala ngaun nag 4 month's na sya. Ayaw na magpalapag gusto lage karga, kapag nakaupo kame iyak lang sya ng iyak pag tatayo ganun pa din pag inaaliw ko sya gamit phone pinapanood ko manonood sya tapos maya-maya iyak na naman. Mix fed na kasi ako simula nag 3 month's sya nung una napapadede ko pa sa bote ngaun gusto nya sa suso ko na dumede. Tuwing ibobote ko sya kinakagat nya na yung tsupon o kaya hahawakan nya, o kaya magdadaldal sya tapos niluluwa nya yung gatas. Konti nalang kasi gatas ko at tingin ko hindi na yun sapat sa kanya. At ang pangpakalma nya lang ay yung dede ko, pag ayaw nya tumigil kakaiyak pinapadede ko nalang sya saken. Working mom po kasi ako ano dapat ko gawin. Minsan tinry ko gutomin wa epek talaga.. ? napaka bugnotin nya, kahit nilalaro na.. makikipag laro tapos iiyak narin. Tapos kapag pinapatulog ko simula nag 2 month's sya hanggang ngayon tulog manok. Sobrang bilis magising tapos konting kaluskos gising agad. Wala na po ako pahinga. Sobrang pasakit nararamdaman ko ngayon ? Please Help!

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Relax lang mommy, pag stressed ka, nasstress din si baby. Ganyan din baby ko dati, gusto lagi nakalatch, comfort kasi nila yan. Lagi mo paburp si baby and check mo din tsupon baka malaki butas, malakas milk flow para sa kanya. Tyaga lang mommy, aayos din yan. Gusto talaga ng mga baby lagi buhat ng mommies, they feel safe kasi pag ganun kaya dapat happy na gusto ni baby lagi sayo.

Magbasa pa