Postpartum depression
Mga mommy advice naman po jung anong ginawa nyo para malaban ang postpartum depression 5 days palang po after kong manganak CS kung ano ano na naiisip ko hindi po ako makatulog ng maayos dahil nilalabanan ko mga nasa isip ko. Pls advice naman po para matigil na ito.
Grabe pala ang postpartum 🥺 ngayon palang nga na buntis ako nag-ooverthink na ako sa future ng anak ko ksi hndi naman kami mayaman walang regular na work partner ko 🥺 more on raket sya! Nag-iisip ako kung ano pwedi kong gawin pagkapanganak ko gusto ko magbusiness kaso wala pa kami sariling bahay at nakikitira lang kami sa bahay ng parents ng partner ko maliit lang bahay nila kaya hndi kami pweding maglagay ng pampasikip pa 😭 Isa pa mga tamad mga tao doon 😭 isang plato hindi mahugasan kahit baso manlang 😭 haaays! Sana tulungan ako ng partner ko pagkapanganak ko . Hello sa team january ❤️
Magbasa paPray. Maghanap ka po ng makakausap mo. Kamustahin mo po mga kakilala mo kahit walang kumakamusta sayo. Ganyan din po ako, 2 Months na po. 2 Months palang din Baby Boy ko💙 Lagi pa nga ako Umiiyak. Naaawa ako sa Sarili ko. Nakaka Iyak din yung Pagod. Minsan natatakot ako Alagaan Baby ko pero sinasabi ko sa Sarili ko, Madali lang naman. Padededein ko lang naman sya, patatahanin pag Umiiyak, Kakargahin, Babantayan. Kakausapin sya pag nag mumuni muni sya. Papalitan ng Diaper pag Puno na or nag Pupu na sya. Ganun lang☺️
Magbasa panilibing ko po asawa ko sa garden. chareng. intermittent fasting. feeling ko kasi maaayos hormones ko pag nag IF ako eh. at saka gratitude journal. list 10 things that makes you thankful. Sulat mo din bakit ka thankful. Kasi pag nakita mo yung positive, literal na nawawala sa isip mo ang negative kasi you can't think of 2 things at the same time. so If tou spend 20 minutes of gratitude, 20 minutes without negativity din yon. imagine kung one hour ka nag-gratitude.
Magbasa pamomsh talagang dumadaan sa ating mga bagong anak yan..ako naranasan ko din until now..kailangan mong labanan yan momsh lagi mong isipin si baby sya yung magandang nangyare sa buhay natin and ang pinaka the best dyan ay ang pagdadasal natin sa Lord kausapin mo sya kung wla kang malabasan ng mga hinaing mo sakanya mo sabihin at papalitan nya ito ng magaan na pakiramdan basta be positive lng..🙏💕
Magbasa pamaraming salamat mamsh
Mi normal po na makaramdam ng ganyan. Nararanasan ko parin po yan hanggang ngayon kahit 4 months na simula nung nanganak ako. Nakakatulong sakin mi yung pagdadasal at pag oopen up sa asawa ko kung ano yung nararamdaman ko. Mahalaga po na may nakakausap po kayo mi. Kaya mo po yan
sis pray hard. Isipin mo ung good future nyo ng anak mo. Ako nun ganun, Ayoko mag isip ng negative at positive lang. Ikaw lanh tlaga mkakahelp sa sarili mo. Ano po bang iniisip mo?
maraming salamat mamsh
Hi mommy! May kasama po ba kayo? Surround yourself po with people who can be your system. Or make yourself productive po, if you need someone to talk to just message me! :)
just close your eyes...enhale exhale,tas pray ka...kung gusto mong umiyak go ok lang yan...yna lang lagi ginagawa ko...
same tayo momsh. mag 1month pp na ako. kakaiyak ko lng ulit knina at kung ano2 iniisip ko din. haaays. hugs to us mommy
Pray kalang sis, and focus ka sa pag aalaga sa baby mo at take vitamins try mo stresstabs.. Godbless
Dreaming of becoming a parent