Postpartum depression

Mga mommy advice naman po jung anong ginawa nyo para malaban ang postpartum depression 5 days palang po after kong manganak CS kung ano ano na naiisip ko hindi po ako makatulog ng maayos dahil nilalabanan ko mga nasa isip ko. Pls advice naman po para matigil na ito.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pray. Maghanap ka po ng makakausap mo. Kamustahin mo po mga kakilala mo kahit walang kumakamusta sayo. Ganyan din po ako, 2 Months na po. 2 Months palang din Baby Boy ko💙 Lagi pa nga ako Umiiyak. Naaawa ako sa Sarili ko. Nakaka Iyak din yung Pagod. Minsan natatakot ako Alagaan Baby ko pero sinasabi ko sa Sarili ko, Madali lang naman. Padededein ko lang naman sya, patatahanin pag Umiiyak, Kakargahin, Babantayan. Kakausapin sya pag nag mumuni muni sya. Papalitan ng Diaper pag Puno na or nag Pupu na sya. Ganun lang☺️

Magbasa pa