36 Replies
Share ko lang po experience ko. I did everything, lahat ng tips ng mga mommies sa lahat ng groups na sinalihan ko pero wala parin kasi due to my cervix pala na di nag totally open.😪 I gave birth to my daughter at 39weeks AOG, May 2 po EDD ko then May 3 na ako nanganak vi emergency CS. May 1 nagpe-pre labor na ako pero nawawala hanggang kinaumagahan ng May 2 maya't maya na talaga yung sakit kaya we decided na dalhin nako sa Hospital at 5pm pagdating dun in-IE na ako pero 3cm palang e leaking na water ko. Nag-swab na ako bago inadmit then pagkatapos makuha result admitted na ako, 28hrs labor puro hilab lang pero still 3cm parin ako kaya nag-decide na kaming i-CS na ako kasi leaking na water bag ko ilang oras na baka ma-stress baby ko kaya yun. May 3 at 11:58 am, baby's out. My OB said kaya madalas po ang Emergency CS ay dahil po mahirap bumukas yung cervix ng isang preggy mom katulad ko po kaya hindi ko po na-normal.
Same case po nung ako. As in no signs. Nagwawalk ako nun at nagttake ng primrose. I was scheduled to be induced at 39weeks 6 days. Kase closed pa, no progress since 37 weeks na IE. Pero at 39 weeks 4 days, bigla pumutok panubigan ko. Nanganak din ako same day (June 12). FTM here. Dapat po may plan kayo ni OB what to do. Nung ako, 39 weeks palang tinatanong ko na ano possible na mangyari kaya nasabi nya na ayaw nya paabutin ng lagpas 40 weeks. Kaya dapat ma induced labor ako. Better to consult your OB po.
Hala mamshie eren dapat every check up ni fetal doppler para ma check status ni baby sa loob😔
https://youtu.be/PmwRWTr4zuk try niyo po gawin ito. Effective sakin yan, umabot ako 39 weeks nagsearch ako sa youtube na pwede gawin para maglabor na. Binasa ko ang mga comments nag work daw then sinubukan ko, hapon nagstart ako mag exercise nyan nung gabi inulit ko. Kinabukasan ng 6:30 am nagising ako parang sumasakit tyan ko, pinakiramdaman ko bumabalik balik ang sakit at habang tumatagal lalong sumasakit, sign of labor na nga almost 5 hrs lang ako nag labor 11:15am nanganak na ko 😊
Hello po mga mommies! ask ko lang din po 38 weeks na po ako ngayon. 3 days na po nung nag start akong pinag insert vaginally ng primrose oil 4 tabs every night po. Starting po kagabi sumasakit sakit po puson ko and balakang na parang magkaka regla po until now pero hindi po consistent nawawala din po tas bumabalik nlng bigla. Wala pa pong lumalabas na mucus plug. Ano po kaya yung pananakit ng puson at balakang na parang magkakaroon ng menstruation?
Nanganak na ako momsh kahapon heheh. Sarap sa pakiramdam tapos na yung paghihirap sa labor at delivery 😅
share ko lang mga mamsh..41 weeks na ako nun mamsh pero walang signs of labor.. inadvice sakin ng OB ko paadmit na.. then pagka admit sakin, tinurukan na ko ng pampahilab kasi wala tlaga akong maramdaman, sobrang worried na ko nun.. then yun almost 14 hours ako naglabor pero di kinaya kaya emergency cs ako.. Buti na lang na CS na ako kasi baka nakain ni baby yung poop nya pag d pa nila ako ni-CS..
relate na relate ako nito dati. ayaw ko ma cs at takot ako ma overdue kc close cervix talaga at lumaki na si baby sa tummy ko. ginawa ko na lahat napanood sa YouTube pano kahit 1 cm mag open man lang cervix ko pero wla talaga, di talaga ako nag labour aya ayon sabi ng doctor ECs nako kc overdue na 41 weeks and 1 day na si baby .
ganyan din ako mommy lahat ginawa ko na para mag open cervix ko ,umabot na ng 40 weeks ang tyan ko sarado pa rin, nag trial ako ng induce labor pero di pa rin bumukas ng malaki cervix ko kahit apat na nainject sa akin na pampahilab at pang pabukas ng cervix, makapal daw cervix ko kaya hanggang 3cm lang siya nag open, nauwe ako sa CS,
ako kasi nag trial ako ng induce kasi baka maiinormal delivery ko si baby kaso makapal cervix ko kaya na CS na ako
Ang tanong po ilang cm na po? Ako 1week po na 2cm tapos kumain ako ng pinya halos maubos ko ang isa wala pa 1hr naghilab na po tpos naghagdan ako pag nahilab akyat pag hindi baba ulit ulit lang po tpos naging 7cm agad nagiinsert din po ako ng primrose 2pcs tpos inom 1x ko lng nagawa. Almost 2hrs kasama na panganganak haha
ipapasak po sa butas ng vagina hmggang cervix po..
ako share ko lng din lagpas n ako ng 1week sa due date ko..sabi saken kapag d p ako nakaanak mg jan15 or no sign tlga induce n din ang gagawin saken..dumating ung jan15 as in no sign tlga..kaya pinasakan n din ako ng 2 primerose sa pwerta tapos may tinurok a dextrose ko..ang hirap tlga kapag no sign ng paglelabor..
Thank you mga ma. Cs pa rn tlaga ending ko. Hehe nanganak ako 40weeks and 2days makapal dw cervix ko pero malambot na kaso almost 1day 4cm lng tlaga ako. Nag alala na rn sila kasi bka makatae na si baby sa loob kaya nag decide nlang na cs. Awa ng Diyos safe kami ni baby. Sakto paglabas nya nag pupu sya hehe
Kristine