Antibiotic for UTI

Mga mommy, 19weeks pregnant ako. nagpunta ako sa ob kanina at nagpa lab test ako, at ang result may uti ako. Safe kaya uminom ng antibiotic. Sino nagka uti na gumaling dahil sa inissue na antibiotic at ano name po ng gamot? Salamat

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh kailangan po mag inom ng antibiotic na recommended ng inyong ob. Never self medicate. Di porket un ang gamot ng isang mommy un din po ang gamot ninyo. Dpende po yan kng masydo mataas ang inyong result or vice versa. Kpag hindi po kau nag antibiotic pwde po mag cause ng miscarriage.

Na admit ako sa ospital ng 3 days dahil umabot uti ko ng 60, may nana pa. Wag matigas ang ulo, inumin ang antibiotics dahil may safe na antibiotics naman for pregnant, cefuroxime sa akin na sinabayan ng pampakapit na isoxuprine. Pwede kasi mapasa yung infection kay baby.

VIP Member

Ako din cefuroxime nireseta ni ob. Though may tiwala naman ako sa doctors in general pero nakaugalian ko na din kasi isearch sa google kung ano ba yung mga gamot na iniinom ko lalo ngayon ng pregnant ako. Safe naman yung antibiotic na ininom ko for pregnant women. 😊

4y ago

same tau sis, ako din search muna s google bgo ko inumin ung gamot 😊

Nagpunta na po pala kayo sa OB bkt hnd pa kayo nagpareseta ng gamot? Hnd naman yan ibibigay if bawal. Kapag hnd nagamot ang UTI sa baby ang epekto nyan. Yung iba nag seself medication sa nanay okay pero sa babay hnd. Wag matigas ang ulo.

Safe uminom ng antibiotic sis. Mas okay na yun kasi pag di natreat UTI mo, baka magpreterm labor ka pa. Anyway, yung gamot ko po noon ay cefuroxime tapos flagystatin ata yun na suppository. :)

Ako feeling ko baka may UTI din ako kaya more water and cranberry juice nalang ako. Wala pa kong lab test or any check ups dahil sa ECQ eh. Pero ayun, dun nalang ako bumabawi.

Yung OB mo dpat magreseta sayo ng antibiotic sis kasi di ka rin makakabili kung walang reseta, depende din kasi yan sa result ng urinalysis mo kung anong tamang antibiotics.

VIP Member

dalawang beses po ako nagka uti while pregnant, nung una po mga 1st tri palang ako eto binigay sakin suppository... for pregnant po ito safe

Post reply image

Ako po may UTI ,pero di na po ako nakapagpacheck up due to lockdown. More on water na lang po ako.. Baka po madala naman sa water therapy.

Buti hindi ka niresetahan ng OB mo? Alam naman pala niyang may UTI ka edi sana nagtanong ka sa kanya kung anong antibiotics iinumin mo.