Until when dapat laging nakamittens and hat si baby?

Hello mga mommiesss, question lang po hanggang kelan po ba dapat laging naka mittens and hat si baby… going 2 months na po kasi si baby ngayon and sa umaga po hnd ko na siya sinusuotan ng mittens and hat, dahil sa sobrang init ng panahon kaya lang lagi po ngcocomment ung sa side ng asawa ko na need parin lagi may ganon si baby wala daw po mainit mainit sa baby… kaya lang naawa nmn po ako pinagpapawisan po siya eh ? need po ba tlga all the time may pangkamay at hat? thanks po sa sasagot. First time mom nga po pla ako..

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

di ko na nilagyan ng bonnet nun nakalabas na kami ng hospital. naglalagay na lang ako nun kung halimbawa nasa malamig na room o lugar or aabutan kami ng gabi sa daan. sa mittens po nung nagupitan ko na si baby ng nails nya around 3weeks, di ko na rin nilagyan. since sinasanay ko na si baby nun na alamin nyang may mga hands pala sya. kaya ngayon 8weeks old na si baby, lagi na nyang subo at tinititigan mga kamay nya. as per my baby's pedia mag magandang walang ganun esp yung mittens at medyas kasi para maexplore nya paligid ni baby for brain and motor development po.

Magbasa pa

ang sabi sa study di nman tlaga need ang mittens, socks at hat. protection lng ang mittens dahil sa kuko nilang mahaba, iwasan maoverheat si baby. kapag malamig ang katawan n baby, pwede mo syang lagyan ng mga ganon, or khit walang gnon basta swaddle, if pinagpapawisan sya magbawas k ng suot nya. pakiramdaman mo ang temperature ng katawan n baby. iayon mo lng ang suot sa temperature nya at ng panahon. kya my doctors n di na inaadvise yan dahil d mkaflow ng maayos ang blood nila.

Magbasa pa

Hahaha parang yung side ng sa asawa ko din. Ayun yung baby sa kanila mag 3 months na naka mittens pa din 🤣 ako na lumayo sa kanila, 1 month pa lang tinanggalan ko na ng mittens kasi panay suck na ni baby sa kamay nya. Para makaexplore na sya. Yung bonnet, kalamigan kasi non nung pinanganak ko sya and laging anlamig ng AC sa mga pinupuntahan namin so mga gang 3 months ko sya sinusuotan pero pag naalis lang. Sa bahay gang 1 month lang din yung bonnet

Magbasa pa

yung bonnet sa hospital lang hanggang makauwi si baby.. sa bahay no bonnet na... Pag umaalis lang o lumalabas pwede naka cap.. prone to SIDS kasi baka di namamalayan mapunta sa ilong while natutulog si baby... yung Mittens upto 1month lang after gupitan ng Kuko inalisan ko agad niyan para makapag explore ang Kamay niya sa mga bagay bagay.. yung medyas/ booties naka depende sa panahon Pag mainit no need naman na..

Magbasa pa

2-4weeks lang po dapat suot ang mittens/hat/medyas, considering na mainit ang panahon talaga kawawa si baby, another reason bakit di dapat matagal masuot kasi nageexplore na si baby 1month old (it will delay her development) just make sure na malinis yung kamay at maikli yung kuko. YOUR BABY YOUR RULES kaya hayaan mo sila momsh. Ginagawa nman natin ano sa tingin natin ay ok kay baby.

Magbasa pa
VIP Member

Bonnet pagka panganak lang. Mittens inalis ko na nung nag 1mo. Kaya ko lang kami nag mittens kasi nakakalmot nya sarili nya. Wag po balutin masyado baby lalo kung di naka aircon, naiinitan po talaga sila. Ang pwede tumaas temp nila pag sobrang init tapos balot na balot sila.

Thank you mga mommies sa pag sagot, nastress lng tlga ako :( tuwing ipost ko dn ksi ung picture ni baby or video na walang mittens and hat lagi ako minemessage nun tta ni hubby .. then kahapon nandun kmi saknla nkita walang pangamay at hat pinasuotan wala daw mainit mainit sa baby..

2y ago

sabihin mo na lang di na nitequire nung pedia nya e

one month lang si hat and mittens, si hat sa gabi lang dahil malamig ang panahon si mittens wala pa isang buwan dahil kinuko ko na. wag ka masyado makinig sa mga comments ng iba, kawawa si baby kung ihat mo and mittens kainit ng panahon.

After 1 month mi pwede mo ng di pasuotin ng mittens si baby make sure lang na na trim na yung kuko niya para di masugatan face niya. Sa hat & socks naman pag umaalis kame sa bahay ko lang pinapasuot si lo ko.

ano 2weeks palang ai baby wala ng hat sobra init kasi grabe pero mittens at socks meron lalu ayaw na ni lo ng hat pag sinusuot galaw ng galaw kahit tulog magigising ngayon mag 1month na sa 12