Hi mga Mommies!
Ask lang po kung paano malaman if di hiyang si baby sa formula milk nya?
As of now po kase mag 2months na si baby and naka mixfeed po sya since sobrang hina po ng breastmilk ko, and s26 po ang formula nya.
Napansin po kase namin na simula sept.17 to sept.20 puro ihi at utot lang sya. then nung sept.22 tumae sya ng sobrang dami dalawang beses.
then until now po puro ihi at utot nanaman po sya. then kada matatapos po namin sya painumin ng s26 nya lulungad po sya ng sobrang dami at after nun sisinukin sya. Ano po kaya reason nun? na overfeed lang po ba si baby o hindi sya hiyang sa gatas nya?