need advice
Mga mommies.. Ask ko lang opinion niyo: masama ba na mafeel ko hindi na ako masaya sa partner/father ng anak ko? He is not cheating, hindi gumagawa ng pwede ko ikagalit. Pero when it comes to my mental health dinidisregard nya yung topic. Pag nag oopen up ako sa kanya, chinechange topic nya. Mas lalo ko na fefeel mag isa ako. Di kami masyado nag uusap lately, di din nagkikita kasi lock down and di kami live in. Nakakalungkot lang kasi yung akala ko andyan para sakin through ups and downs, eh walang pake sa mental health ko. Ayaw daw nya pag usapan kasi wala daw sya masabi. Masama ba ako to feel unhappy?