Mental health
Hello mga mommies, i'm 3 months and 15 days postpartum and 1 month na lng babalik na ko sa work. Currently mixed feeding si baby, kase honestly di ko kaya magpure bf, anlaki kase ng impact sa mental health ko, nag-iiyak dn si baby pag naglalatch sya saken and sumabay pa yung mga narinig ko sa mga matatanda for the past few months na nagstay kame sa tita ng partner ko (na kulang daw gatas ko kahit naglulungad na non si baby after nya dumede sakin, di nila pinapatulog yung baby sobrang ingay nila and di ako makareklamo kase nakikistay lang naman ako). For the sake ng mental health ko nagdecide ako na imixed feed na lang para atleast kampante ako na nabubusog sya. Now dahil malapit na ko magwork, undecided pa dn ako kung i-pure formula ko na si baby. Stressful kase environment dn ng work ko and i think mas lalaki yung impact neto sa situation ko now, ako lang dn nag-aalaga kay baby, senior and pwd kasama ko sa bahay so di ko maiwan si baby sa knla ng buong shift ko. Nag-iisip din kame kng kukuha ba ng tagaalaga kaso not sure kng mapagkakatiwalaan ba yung makukuha ko. Si partner naman nakaassign sa pampanga(nagwwork sa airforce) and di ko sya masabihan na lumipat sa mas malapit samin kase may mga gusto pa syang gawin pra tumaas rank nya, ayokong maging hadlang kame sa pangarap nya).