Confused
Hi mga mommies totoo Po ba pag buntis bawal kumain Ng gulay na talong? I'm 19weeks pregnant..
I don't know kung kasabihan lang ng mga matatanda or nagkataon lang, pero ang pag kumain daw ng talong habang buntis, nagkakaron daw ng balat (birth mark) ang baby. Nakakain ako ng talong dati, and true enough, yung eldest baby ko, may balat sya sa likod ng braso. Kaya nung pang 2nd, and itong pang 3rd baby ko, hindi ko na sinubukan kumain muna ng talong.
Magbasa paKumakain po ako ng talong nung preggy ako kahit sinasabing bawal. Kasi di naman ako naniniwala dun.. ayun, okey naman baby ko.. siguro masama kapag madami.. pede naman kumain pero in moderation lang. ang bawal tlga e pine apple nakakalaglag yun.. kasi may content ang pine apple na masama kapag napadami ang kain.
Magbasa paAng sabi nila kc kpag kumain ng talong magkakaron ng prang mga pasa pasa si baby na kulay talong sa balat nya.. So sa 1st baby ko hindi tlga ako kumain pero paglabas nya meron prin syang ganun at ang dami pa nga.. So para skin hindi sya true.. Sa 2nd at itong pangatlo ko kain nko talong.. Sarap kaya..😁
Magbasa paPregnancy myths momshie! Sabi rin saken ng nakakatanda samen na wag ako magtalong for skin care ni baby. Pero genetically naman kasi namamana ni baby yun though may effects ang kinakain naten. Ask your Ob mamsh 😘 di masama maniwala pero if healthy naman at di ka nagpapasobra thats good parin
nako yan lang ang gusto ko simula naglihi ako at di ako nakakakain bsta pritong talong na may bagoong ayy kakainin ko tlga wlang makapigil.. oki nmn mga anak ko wla nmn nangyaring masama... pagkain nmn yan wag lng sobra sobra at wag kainin ang balat 😉
Hindi naman po sya bawal talaga kaso po kapag pinanganak si baby magkakaroon po ng tinatawag na "taon" na makikita sa balat ng bata. Kasi ako noong sa 1st baby ko ang hilig ko kmaen ng talong tapos paglabas niya ang dami niyang "taon".
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-74101)
Ewan lang po kung totoo pero sabi ng mama ko, baka maging galisin daw si baby. simula nung sinabi ko rin sa hubby ko yun di na sya bumibili ng talong, natakot ata maging galisin ang first baby namin. 5 mos preggy 😊
nd naman po nung pregy ako kumakain din ako nyan, Okie lng nmn c baby ehh ☺ pineapple lng ung iwasan .. pero pag nag la2bor kna maniwala ka momshie kumain ka ng maraming pineapple ma bilis ka lng manga2nak ☺
Check this mga mommies. Pwede pero hindi dapat madalas kase nakakatrigger sya ng pagka prenature ng bata at allergies. :) https://www.momjunction.com/articles/eggplant-during-pregnancy_00392694/