Ubo at sipon at biglang pag dalas ng tulog 2 months old

Hello mga mommies! Tanong ko lang po kung talagang mapapadalas ang tulog ni baby pag may ubo at sipon kase hindi naman po siya ganun nung wala pa ubo at sipon niya pag umaga halos mag hapon siya gising madalang lang ang tulog pero gabi diretsyo naman nagigising lang pag dumedede pero nung nagka ubo at sipon panay na ang tulog. Normal lang po ba yun? Gustong gusto ko pong ipa check up baby ko para ma lessen yung worry ko pero yung husband ko palaging sinasabi na kawawa lang daw si baby sa turok turok. Pero nag aalala na kase ako may tunog din kase pag natutulog siya hindi ko po alam kung halak o milk lang na hindi bumaba. Madalas ko rin sinasabihan husband ko na wag muna ibaba agad kapag kadedede lang at kaka burp para sure na bumaba yung milk pero ang hirap pakiusapan. Pa help naman po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin din may ubot sipon :( tho di naman malakas and wala naman halak pag tulog. Di maka check up kase walang doctor. Automatic ba na ma oospi agad kapag may ubot at sipon? Formula fed kase si baby ayaw nya na kase dumede sakin :(

2y ago

Ilang araw na po ubo at sipon niya mi at ilang months na po baby niyo? Kase icccheck daw po ng pedia kung may marami ng plema sa dibdib yun na daw kailangan ma hospital mi. Kaya gustong gusto kong ipa check up baby ko para maka sigurado.

ilang araw na mii ung ubo at sipon? madalas po b ung ubo? my plema? at sipon my discharge po? or barado lng mii?

2y ago

Apat na araw na po ngayon mi nag ttake naman siya ng gamot pero hindi parin nawawala. Meron yung mayat mayat yung ubo niya tapos meron yung araw na wala, may discharge din sipon niya lalo na pag umiiyak siya lumalabas sipon niya.