BCG sa baby

Hi mga mommies, tanong ko lang about sa BCG na tinuturok sa mga baby pagka panganak. After ko manganak sa ospital hindi naturukan mg BCG baby ko and wala din naman binigay na record na proof na may bakuna baby ko yung ospital na kung saan ako nanganak tas bago kami umuwi sinabihan kami ng nurse na after 1week punta kami sa pinaka malapit na health center for check up. Ilang beses kami pabalik-balik sa health center para mapa check up si baby ang kaso wala daw check up sa kanila, mga bakuna at turok lang daw meron sila, so wala pa BCG baby ko after 2months saka lang namin sya Napa turukan ng BCG pero sa hita sya tinurukan ang sabi ng byenan ko sa braso talaga tinuturok BCG at hindi sa hita, tinignan din namin sa hitang pinag turukan sa kanya pero walang bakas ng turok ano kaya advice nyo mga mommies first time mom here🙋🏻‍♀️. Ask ko po mga mommies sa braso lang po ba talaga tinuturok ang BCG?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang alam ko, sa braso nga po dapat ang turok ng bcg. Saan po kayo nagpaturok? Sure po kayo na bcg yun, hindi po kaya may kasabay na ibang vaccine at iyon ang tinurok sa hita? Sure po na hindi sya naturukan sa hospital? Baby ko kasi, hindi ko malalaman na naturukan ng bcg kung hindi nakasulat sa baby book nya na ibinigay ng hospital.

Magbasa pa